GMA Logo hearts on ice recap
What's on TV

Hearts On Ice: Ponggay, Monique, at Sonja, sino ang makakapareha ni Michael Martinez? | Week 4

By Aimee Anoc
Published April 11, 2023 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

hearts on ice recap


Sino kaya kina Ponggay, Monique, at Sonja ang magkakaroon ng pagkakataon na makapareha ni two-time Olympian Michael Martinez?

Sa ikaapat na linggo ng Hearts On Ice, nagsimula na ang audition para sa makakapareha ni two-time Winter Olympian Michael Martinez sa magaganap niyang ice show sa Global Center Mall. Ang naturang ice show ang unang proyekto ni Enzo (Xian Lim) bilang COO ng mall.

Sa pagsisimula ng audition, napahanga ni Michael ang lahat sa patikim na performance, kung saan ipinakita niya ang ilan sa kanyang olympic moves at tricks sa figure skating.

Matapos ang nakamamanghang performance ng two-time Olympian, isa-isa na ring nagpakitang-gilas sa audition ang mga kalahok na figure skaters kasama sina Ponggay (Ashley Ortega), Monique (Roxie Smith), at Sonja (Skye Chua).

Hindi naman nakaligtas si Ponggay sa ginawang pagsabotahe ni Sonja sa ilanG damit ng figure skaters. Habang nasa kalagitnaan ng audition ay bigla na lamang naputol ang strap ng damit nito dahilan para mahinto ang kanyang performance.

Sa kabila ng nangyaring wardrobe malfunction, hindi sumuko si Ponggay at ipinagpatuloy ang kanyang ice performance.

Ikinagulat naman ng lahat nang ianunsyo na ang napili sa audition dahil hindi lamang si Sonja ang tinawag kung hindi maging sina Monique at Ponggay.

Muling maghaharap-harap sina Sonja, Monique, at Ponggay para sa ikalawang audition. Sino kaya sa tatlo ang magkakaroon ng pagkakataon na makapareha ni Michael Martinez?

Abangan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

KILALANIN SI SKYE CHUA SA GALLERY NA ITO: