
Isang sweet celebration ang naganap sa fun noontime program na It's Showtime noong Biyernes (September 5), nang masayang ipinagdiwang ang kaarawan ng minamahal na host na si Amy Perez!
Umpisa pa lang ng programa ay binigyan na siya ng bouquet at heartfelt messages mula sa kanyang Showtime family.
Unang nagbigay ng mensahe si Vhong Navarro, na naghayag ng kanyang paghanga kay Tyang Amy dahil sa malasakit at gabay nito sa kanila.
"Sinabayan mo lahat para lang bigyan kami ng magagandang advice," ani Vhong. "Sinasabi kasi ni Tyang minsan dahil sa edad niya parang, 'Hindi ako kailangan dito sa It's Showtime kasi pang bata 'to.' Tyang hindi totoo 'yun. Ang laki ng bahagi mo sa amin dito. Ikaw ang nag-ga-guide sa amin dahil ikaw ang mas maraming experience sa amin pagdating sa noontime show."
Dagdag pa niya,"Salamat sa iyong pagmamahal... at mahal na mahal ka namin."
Sinundan naman ito ni Karylle na nagbahagi ng personal na karanasan.
"Thank you for being there especially sa It's Showtime family. Hindi n'yo alam madlang people, 'pag may problema kahit isa dito dudulog sila ng tulong sa aming dressing room. Kakatok at hahanapan 'yan ni Tyang Amy ng solusyon because that is how much she loves us," sabi ni Karylle.
"Tsaka 'yung wisdom ni Tyang and advice," dagdag ni Kim Chiu.
Hindi rin nagpahuli ang pamilya ni Amy na nagbigay ng espesyal na birthday message videos. Labis na naantig ang veteran host at napaluha nang pasalamatan niya ang kanyang pamilya.
Ani Amy, "To my son Adi, I just want you to know that I'm very, very proud of you and thank you for making me a great mom. You just don't know how much I miss you dahil ang anak ko po ay 27 na, may sarili na po siyang buhay. I'm so proud of you, of all the things that you do.
"Of course to my other boys sina Kyle and Isaiah, thank you din dahil you have shown me talagang na I can be a good mom. I love you. Kayo ang aking precious diamonds o gems in my life."
Pinapurihan din niya ang kanyang asawa na si Carlo Castillo, na tinanggap at minahal siya ng lubos.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Balikan ang birthday celebration ni Tyang Amy sa video na ito: