
Isang birthday performance ang hatid ng Korean host na si Ryan Bang sa It's Showtime noong Sabado (June 22).
Nakasama ni Ryan sa kanyang musical performance ang OPM singer na si Zsa Zsa Padilla at ipinamalas pa niya ang kaniyang skills sa pagtugtog ng piano at flute.
Sa episode ng noontime show kahapon (June 24), pinuri ni Amy Perez ang kanyang kapwa It's Showtime host dahil sa mahusay na birthday performance nito.
“Ryan, can I just say ang galling-galing mo last Saturday. Belated Happy Birthday. I love you,” ani Amy.
Sagot ni Ryan, “Thank you so much, Tyang. I love you more.”
Dagdag pa niya, “Kinabahan ako sobra kasi siyempre first time kami magka-duet ni Ms. Zsa Zsa Padilla at saka naka-flute pa ako, piano, kaya kinakabahan.”
Ayon pa kay Tyang Amy, nagulat ang kanyang bunsong anak na si Seyah kay Ryan. Aniya, “Nagulat nga si Seyah. Sabi niya, 'Mama, I didn't know Ryan can play the flute and piano.' Good job.”
Labis ang pasasalamat naman ni Ryan sa kanyang kapwa It's Showtime hosts.
Bukod dito, nakatanggap pa ng sweet birthday message si Ryan mula sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong.
“Blessing your feed with the cutest lock screen reveal! Happy Birthday, my love! They say that your lock screen is a window to your heART. Ay!! Wowerz,” sulat sa kanyang Instagram post.
Related gallery: Ryan Bang's sweetest moments with non-showbiz GF Paola Huyong
Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.