GMA Logo Ana Feleo, Alden Richards, Kathryn Bernardo
What's Hot

Ana Feleo, paano ilalarawan sina Alden Richards at Kathryn Bernardo?

By Kristian Eric Javier
Published May 22, 2024 2:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Ana Feleo, Alden Richards, Kathryn Bernardo


Ano ang masasabi ni Ana Feleo tungkol kina Alden Richards at Kathryn Bernardo?

Marami ang natuwa at na-excite sa balitang magbabalik-tambalan sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa pelikulang Hello, Love, Again, ang sequel sa kanilang 2019 film na Hello, Love, Goodbye. Pero paano nga ba sila ilalarawan ng batikang aktres at acting coach na si Ana Feleo?

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, nagbigay si Ana kanyang paglalarawan para sa dalawang aktor. Ang sinabi niya tungkol sa Asia's Multimedia Star, “Alden is mysterious, mysteriously wise.”

Paliwanag niya, “Kita mo biglang close ka na sa kanya, 'yung bakit ang lambot ko na sa kanya? Inano ka na niya, nag-relationship work na sa'yo.”

Ayon pa kay Ana, may proseso at technique si Alden para gawin ito, pero hindi niya ipinapakita. Dagdag pa ng batikang acting coach, strong din ang boundary ng aktor pagdating sa relationships niya sa ibang tao.

“Parang alam niya kung hanggang saan lang siya tatapak sa akin. And paparamdam niya sa 'yo kung 'oh, mahal kita pero hanggang dito ka lang puwedeng tumapak,'” sabi niya.

Dagdag pa ni Ana, dahil din mismo sa boundaries na ito ay maaalagaan ni Alden ang relationship niya sa isang tao, at sinabing malaki ang tsansa na tumagal ito.

“Because nag-signal na kayo na, ito tayo. Healthy,” aniya.

TINGNAN ANG MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA 'HELLO, LOVE, AGAIN' SA GALLERY NA ITO:

Nang tanungin naman si Ana kung paano niya ilalarawan ang co-star ng aktor na si Kathryn, ang sagot niya, “Sponge. She's a sponge.”

“She inhales. Parang I don't know if she has the process. I've never worked with her. But she's a sponge,” sabi ni Ana.

Paliwanag niya, “She has gotten enough kumpiyansa sa sarili niya na alam niyang... ano lang, she's so confident na makakakuha siya from her co-actors. She can get from anything.”

Pakinggan ang buong interview ni Ana dito: