GMA Logo Ana Feleo Sparkle Prime Workshop
Photo source: @anagfeleo
What's Hot

Ana Feleo, tinitingala ng Kapuso stars dahil sa galing nito sa pagtuturo ng acting

By Maine Aquino
Published February 23, 2022 5:10 PM PHT
Updated February 23, 2022 7:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Ana Feleo Sparkle Prime Workshop


Alamin ang sagot ng Sparkle Prime Workshop head teacher na si Ana Feleo sa mga papuring kaniyang tinanggap mula sa mga artistang tinuruan niya sa GMA Network.

Puno ng paghanga ang ilang Kapuso stars sa kanilang acting coach na si Ana Feleo.

Kilala si Ana sa entertainment industry bilang accredited acting facilitator ng renowned Eric Morris System. Siya rin ay nagturo sa ilang mga mahuhusay na artista ng GMA Network.

Photo source: @anagfeleo

Ang mga Kapuso stars tulad nina Julie Anne San Jose at Andrea Torres na naging estudyante ni Ana ang nagpahayag ng kanilang paghanga at respeto sa paggabay niya sa kanilang career. Ayon kay Ana, hindi siya makapaniwala na may ganong klaseng pagpuri siyang natatanggap mula sa mga ito.

Saad ng Sparkle Prime Workshop head teacher, "Sa totoo lang, hindi ako sanay na nakakarinig ng ganong komplimento. And I feel very overwhelmed na ganon pala ang epekto sa kanila."

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Paglilinaw ni Ana, instrumental siya sa improvements ng isang artista sa larangan ng pag-arte. Ngunit binigyang diin ng acting facilitator na nakakamit lamang ang improvements na ito dahil ang isang artista ay may dedication at passion sa kanilang pag-arte.

"But you know what, yes, I was instrumental in helping them but I have to say they really jumped into the workshop, they really invested so yes maybe it's partly me but it's also a whole lot of it is them and also their passion, their dedication, and passion in their craft."

Dugtong pa ni Ana, hiling niyang makita sa iba ang passion ng ilang Kapuso stars na kaniyang tinuruan sa workshops.

"I hope na mag-rub off 'yung passion na 'yun to other people. It's not a spoonfeeding kind of workshop. It's a give and take kind of workshop kaya talagang nag-e-excel sila."

Si Ana ay magiging head teacher sa Sparkle Prime Workshop simula ngayong March 2022. Ang Sparkle Prime Workshop ay acting classes na binuksan ng GMA Network sa publiko. Ang mga courses na handog ng Sparkle Prime Workshop ay Introduction to Acting for kids, Fundamentals of Acting for Teens and Adults, and Craft and Scenework for Adults.

Para sa mga nais makasali sa Sparkle Prime Workshop, bisitahin lamang ang social media accounts ng Sparkle GMA Artist Center para sa requirements at instructions.

Samantala, alamin ang acting workshop experience ng Sparkle's Brightest Stars of 2022: