GMA Logo family feud
What's on TV

Anak ng celebrities, maglalaro sa kiddie edition ng Family Feud

By Dianne Mariano
Published October 14, 2025 3:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
US State Department expands visa restriction policy in Western Hemisphere
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

family feud


Kilalanin ang mga ipinagmamalaking mga anak, kapatid, at pamangkin ng mga artista na maglalaro sa 'Family Feud' ngayong October 14.

Mga anak, kapatid, at pamangkin ng celebrities ang bibida sa fun Tuesday episode ng Family Feud.

Ngayong October 14, double the fun and triple the energy ang baon ng eight bright, witty, and adorable kids na maglalaro sa kiddie edition ng Family Feud. Ang Family Feud Philippines sa GMA ang kauna-unahang gumawa nito sa history ng Family Feud franchise sa buong mundo.

Maglalaro sa Team Kind ang 11-year-old sister ni Royce Cabrera na si Ray Vielle Heart Mina; ang 7-year-old niece ng Bubble Gang star na si Kokoy De Santos na si Noah Arabella De Santos; ang 8-year-old daughter ni Kristoffer Martin na si Precious Kristine Martin; at ang 12-year-old daughter ng aktres na si Che Ramos-Cosio na si Maria Kataleya Cosio.

Bibida naman sa Team Polite si ang 10-year-old daughter ng singer-host na si Champagne Morales na si Ariana Natalia Mendoza; ang 9-year-old son ng former child actor CJ Ramos na si Jacob Dyon Ramos; ang 10-year-old son ni Allona Amor na si Nasher Alih Canzon Tillah; at si Antonio Kenzo Rodriguez, ang 11-year-old son ng Sanggang Dikit actor na si Kiel Rodriguez.

Charm, humor, and family fun na may kasama pang kulitan with celebrity families ang mapapanood sa Family Feud ngayong Martes (October 14), 5:40 p.m. sa GMA.

Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: