GMA Logo Buboy Villar and daughter Vlanz
Celebrity Life

Anak ni Buboy Villar, biglang sumingit sa Tiktok video ng aktor

By Cherry Sun
Published May 25, 2021 1:14 PM PHT
Updated May 25, 2021 1:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar and daughter Vlanz


Mas ikinatuwa ng mga artista at netizens ang Tiktok video ni Buboy Villar nang dahil sa pagsayaw in Vlanz!

Lalong kinagiliwan ng netizens at kapwa celebrities ni Buboy Villar ang Tiktok video ng Owe My Love star nang biglang sumali ang kanyang panganay na anak na si Vlanz Karollyn.

Dalawa ang anak ni Buboy sa kanyang dating nobyang si Angillyn Gorens, sina Vlanz at George Michael.

Oktubre noong nakaraang taon nang pumutok ang balitang naghiwalay na ang aktor at ang kanyang American girlfriend. Gayunpaman, nagkasundo ang dalawa sa isang co-parenting set-up. Dahil dito, minsan ay nadadalaw ni Buboy ang kanyang dalawang anak sa bahay ng pamilya ni Angillyn.

Kahit malayo man sa piling ng mga ito, sinisigurado ng aktor na patuloy niyang nakaka-bonding ang mga bata. Kabilang dito ang pakikipagkulitan niya sa kanyang mga anak na makikita sa kanyang bagong Tiktok video sa Instagram.

May surprise appearance pala si Vlanz sa kanyang dance video at inagaw pa nito ang spotlight!

Hirit ni Buboy, “Sayaw na sayaw na ako eh!”

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)

Komento ng kanyang Owe My Love co-actor na si John Vic de Guzman, “Mas cute ohhh.”

Pagpansin naman ni Rodjun Cruz, “Galing ng timing haha.”

Balikan ang love story nina Buboy at Angillyn dito: