What's Hot

Anak ni Dennis Trillo na si Calix, hindi gumamit ng koneksyon para sa kanyang first modeling gig

By Jansen Ramos
Published September 30, 2025 12:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Wizards have rare showing on defense in win over Pacers
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

dennis trillo and jennylyn mercado with calix


Proud ang mag-asawa na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa kanilang anak na si Calix dahil matiyaga itong pumila sa audition para sa isang modeling gig.

Gumagawa na rin ng pangalan sa showbiz ang panganay ni Dennis Trillo na si Calix.

Bukod sa fencing, nahihilig na rin sa modeling si Calix, na incoming college freshman.

RELATED CONTENT: Get to know Dennis Trillo's son, Calix Andreas

Isa sa mga rumampa si Calix sa katatapos lang na Bench Fashion Week, na unang modeling gig ng binata.

Higit pa rito, ang labis na ikinaka-proud ni Dennis at ng kanyang misis na si Jennylyn Mercado ay matiyagang pumila ang kanilang anak para mag-audition sa fashion show kahit pa may koneksyon sa showbiz.

Ani Calix sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras, "It's very exciting, it's a new experience for me so I hope there will be more opportunities in the future."

Pero paalala ni Dennis sa kanyang panganay, top priority pa rin dapat ang pag-aaral.

Ika ng aktor, "Unti-unti sumusunod na siya sa mga yapak ko pero, syempre, importante matapos muna yung school n'ya."

Sumang-ayon naman dito si Jen, na tumatayong second mom ni Calix.

Sabi ng aktres, "Feeling ko, kakain n'ya talaga yung schedule ng bata. Sabi ko sa kanya, happy ako sa kanya, yung mga fashion show, yung mga photoshoot, yung mga pwedeng endorsements ganyan para paisa-isang araw lang. Kayang-kaya ng schedule n'ya."

Samantala, napapanood sina Dennis at Jennylyn bilang lead sa GMA Prime action-packed series na Sanggang-Dikit FR kung saan gumaganap silang pulis.

RELATED CONTENT: IN PHOTOS: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo's modern family