
Matapos magwagi ang former Pepito Manaloto star na si Gladys Reyes bilang Best Actress sa Summer Metro Manila Film Festival 2023 noong nakaraang buwan, may bagong blessing na naman na natanggap ang kaniang pamilya.
Lahad ni Gladys sa Instagram na tuwang tuwa ito nang malamang nakapasok ang anak niyang si Christophe na magko-kolehiyo na sa ilang top schools ng bansa tulad ng University of the Philippines at Dela La Salle University.
Pero bukod diyan, proud moment din para sa seasoned actress na nakatanggap pa ng scholarship ang anak niya sa University of Asia and the Pacific (UA&P).
Aniya sa caption, “Another proud moment as a mom to my son, Christophe @christophe_sommereux!
“Congratulations on being accepted in UP, La Salle and getting a scholarship in UA&P. And congratulations on your graduation from senior high.”
Dagdag niya, “We love you son! Ecstatic to share these blessings!! Another answered prayer. Thank you dear God!!”
Sunod-sunod naman ang natanggap na papuri ni Christophe mula sa celebrity friends ng kanyang ina tulad nina Dabarkads Ryan Agoncillo at award-winning comedienne na si Manilyn Reynes.
May tatlo pang anak si Gladys sa mister na si Christopher Roxas na sina Grant, Gavin, at Aquisha.
Ikinasal ang dalawa noong January 2004.
KILALANIN ANG PAMILYA NINA GLADYS AT CHRISTOPHER SA GALLERY NA ITO: