GMA Logo pokwang malia paolo ballesteros
Celebrity Life

Anak ni Pokwang na si Malia, aliw na aliw sa bahay ni Paolo Ballesteros

By Jansen Ramos
Published October 31, 2021 11:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Epstein files release highlights Clinton, makes scant reference to Trump
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang malia paolo ballesteros


Tingnan ang reaksyon ng bunsong anak ni Pokwang na si Malia matapos makita ang giant gold ribbon sa bahay ng kapitbahay nilang si Paolo Ballesteros.

Nagsimula nang maglagay ng Christmas decorations ang ilang celebrity sa kani-kanilang bahay.

Kabilang diyan ang Eat Bulaga Dabarkad na si Paolo Ballesteros, na muling kinabitan ang exterior ng kanyang malaking bahay sa Antipolo ng isang giant ribbon.

Atraksyon ito sa village kung saan naninirahan si Paolo at isa sa mga aliw na aliw dito ang cute neighbor niyang si Malia, bunsong anak ng komedyanteng si Pokwang at Lee O'Brian.

Sa Instagram, ipinost ni Pokwang ang video ni Malia na sumasayaw sa harap ng bahay ni Paolo.

"Look tito @pochoy_29 may dancer sa labas ng bahay mo kay aga aga hahahahahahaa," sabi ni Pokwang sa caption.

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Ayon kay Pokwang, tuwang-tuwa si Malia sa bahay ni Paolo dahil nagmistulan daw itong malaking regalo dahil sa gold ribbon.

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29)

Isa sa prized possessions ni Paolo ang kanyang dream home sa Antipolo, na isang modern industrial house. Sinimulan niya itong ipagawa noong 2016 at natapos noong December 2017. Sa kabuuan, halos apat na taon nang naninirahan si Paolo sa kanyang dream house na katas ng kanyang pagtatrabaho sa showbiz.

Isa sa mga nagustuhan ni Paolo sa kanyang bahay ang relaxing atmosphere nito dahil sa magandang view ng Antipolo.

Mapapansin din na very contemporary ang style ng bahay ni Paolo. Isa sa mga detalye ng kanyang bahay ay ang cast-in-place-concrete fence, timber gate, at ang kanyang garden sa hilera ng gate.

Tingnan ang magandang tahanan ni Paolo sa gallery na ito: