
Muling pinasaya ng anak ni Kapuso comedienne Pokwang na si Malia O'Brian ang netizens dahil sa kanyang nakatutuwang video habang nasa loob ng isang mall kamakailan.
Sa latest Instagram post ni Pokwang, makikita ang video ng apat na taong gulang na si Malia na kinakausap at ginagawa ang pose ng katabi niyang mannequin.
"Ang aga naman ni mannequin ka daldal hahahaha ginaya niya 'yung mannequin sa mall kalokang bata," caption ng celebrity mom sa kanyang post.
"Hahahaha ang cute ni Malia fashionistang fashionista mamang [Pokwang] napakagandang bata nyan," komento naman ng isang fan.
Embed photo: Inside 1
Bukod dito, marami pang good vibes video ng mother and daughter moments sina Pokwang at Malia sa social media. Isa na rito ang pagkain ng balut ni Pokwang at pagtulong ni Malia sa pagluluto sa kusina.
Mapapanood naman si Pokwang sa bagong variety show ng GMA na TiktoClock kasama sina Kuya Kim Atienza at Rabiya Mateo.
Samantala, mas kilalanin pa ang cute at bibong bata na si Malia sa gallery na ito.