
Pinagkaguluhan ng celebrities at netizens ang pinakabagong photo ni baby Jose Chritiano o Baby X, ang anak nina Luane Dy at Carlo Gonzalez.
Noong Mayo ay masayang ibinalita ng first-time parents ang pagsilang ni Baby X.
Matapos ang ilang buwan, nitong Agosto unang ipinakita nina Luane at Carlo ang mukha ng kanilang anak sa social media.
Simula ng big reveal ni Baby X, natiyak na heartthrob in the making talaga siya!
At ngayon naman ay ang kanyang pinakabagong litrato ang pinagkakaguluhan sa social media.
Hindi nakapagpigil ang ilang celebrities tulad nina Pauleen Luna, Max Collins, Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap, at Drew Arellano at binati si Baby X.
Nanggigil din ang netizens sa cute na cute na anak nina Luane at Carlo.
IN PHOTOS: Celebrity babies and the first time their faces were revealed in public