
Kahit off-air pa lamang, tila may hugot na agad ang sina Analyn Barro at Arra San Agustin o Team Anarra sa pagsasagot sa GMA Comedy game show na The People Have Spoken!
Bago pa ang mismong papremyo ng programa, sumabak ang StarStruck Season 6 alumni sa mabilisang POV Check question na: "Naniniwala ka bang lason ang pag-ibig sa babaeng mataas ang pangarap?"
Kaagad namang sumagot si Analyn ng "Oo. Ako siguro oo."
Sinabi naman ni Arra, "Parang nandoon ako sa maybe. Pero walang maybe, so oo na lang."
Para sa Bubble Gang stars, maaaring maging sagabal ang pag-ibig sa pagtupad ng mga pangarap at pagbuo ng karera.
"Pwedeng ma-distract. Siyempre, kung may pangarap ka pa talaga sa buhay, parang hindi dapat ang focus mo," sabi ni Analyn.
"Hindi ka talaga makaka-focus sa dalawang bagay. Isang bagay lang talaga. Tsaka na 'yung love life. Career muna tayo."
Dagdag ni Arra, mas madaling makahanap ng pag-ibig kaysa sa oportunidad sa career.
"Madali lang 'yun gawin. 'Yung career, minsan lang 'yung opportunity sa pangarap," aniya.
Noong Sabado, July 25, nakapasok sa bonus round ang Team Anarra matapos makatapat ang Team RUMI, na binubuo nina Ruru Madrid at Mikoy Morales.
Bagama't hindi nila napili ang lahat ng tamang sagot, nag-uwi pa rin ang Team Anarra ng PhP140,000!
Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.
Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Para sa mga nanalo ng People Panalo Promo, silipin ang list of winners DITO.
Panoorin ang YouLOL exclusive ng Team Anarra dito: