GMA Logo Analyn Barro, Arra San Agustin
photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Analyn Barro sa mga cheater: 'Nagbago ka lang kasi nahuli ka, e'

By Kristine Kang
Published July 28, 2026 3:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos delivers aid to Davao provinces a day after SONA 2026
#SONA2026 Marcos says Davao City ‘Love Buses’ going electric
Discounted fares on LRT-2, MRT-3 remain in effect amid Middle East crisis

Article Inside Page


Showbiz News

Analyn Barro, Arra San Agustin


Totoo ba na “Once a cheater, always a cheater”? Alamin ang mga naging opinyon sa 'The People Have Spoken' dito.

Tila hati ang mga sagot sa isa sa mga tanong sa GMA comedy game show na The People Have Spoken.

Nitong Sabado (July 25), pinag-usapan ng People at celebrities ang tanong na: "Sabi ng iba, 'Once a cheater, always a cheater.' Do you agree?"

Para sa Team RUMI (Ruru Madrid at Mikoy Morales), naniniwala silang maaari pang magbago ang mga taong nagkamali at matuto mula sa kanilang mga pagkakamali.

"Medyo hindi (ko na-sense ang boses ng People). Pero, niraramdam ko ' yung puso ko at sinasabing puwede pa talaga magbago ang kahit na sino," paliwanag ni Ruru.

Samantala, tila may hugot ang Team ANARRA (Analyn Barro at Arra San Agustin) sa kanilang sagot.

"Once a cheater, always a cheater kasi the fact na alam mo na mali 'yung cheating ginawa mo pa rin," giit ni Analyn.

"Ito pa ha! May second chance 'yung iba. Nagbago. Nagbago ka lang kasi nahuli ka, e. Pero uulit at uulitin mo 'yan."

"Hindi natin sila kakampi. Sino [yan]?” banat ni Heart Evangelista.

"Sorry na-carried away lang ako. Shout out sa'yo," sagot ni Analyn habang nakaturo sa harap ng camera.

Para naman kay celebri-peep guest Buboy Villar, naniniwala siyang may mga taong tunay na nagbabago.

"Lahat tayo nagkakamali, pero depende sa nagpapatawad iyon at depende rin sa gumagawa," klaro muna niya.

"Kung ako naman ay nandoon sa sitwasyon na 'yun at aminado ako sincerely, na nag-apologize ako sa kanya at hindi ko talaga gagawin, deserve ko ng second chance."

Sa extended cut ng naturang round, mas pinag-usapan pa ng People at ng mga celebrity guest ang tanong.

Una munang ibinahagi ni Sean Lucas ang kanyang pananaw.

"Puwede. Puwede pa namang magbago. 'Pag nangyari once, okay, puwede pa. Pero 'pag paulit-ulit na, 'yun na ' yun," sagot ng Sparkle host.

Kaagad din niyang nilinaw, " I'm talking about the other person."

Natawa naman ang lahat sa hirit ni celebri-peep Joy Barcoma.

"Naniniwala ako na pwede pang magbago...pwede pang magbago ng babae," patawang sinabi niya.

Dagdag pa niya, " 'Di na 'yan magbabago, uulit lang 'yan. Kaya naman kung niloko na kayo, naku, palampasin n'yo na. Kasi kung tatanggapin niyo lang ulit, dapat tanggapin n'yo rin 'yung fact na lolokohin nila kayo ulit. Hindi man sa ibang babae, sa ibang lalaki sa isang relasyon, but the fact na 'yung character niya as a person is a cheater speaks a lot about how he was raised or how that person was raised and kung paano ka niya tatratuhin. "

Sang-ayon din si Heart sa naging pananaw ni Joy.

"Para sa akin, fool me once, shame on you. Fool me twice, shame on me. Kasi 'yun naman talaga. Uulit at uulit 'yun. Unless depende na sa pag-uusapan niyo 'yan," ani ng Kapuso host.

Sa naturang round, mas napulsuhan ng Team ANARRA ang boses ng People na umabot sa 61% ang sumang-ayon.

Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.

Available rin ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.

Para sa mga nanalo ng People Panalo Promo, silipin ang list of winners DITO.

Panoorin ang extended cut mula sa YouLOL exclusive rito: