GMA Logo andi eigenmann jaclyn jose
What's Hot

Andi Eigenmann, muling nakasama ang inang si Jaclyn Jose sa Maynila

By Aimee Anoc
Published December 13, 2021 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

andi eigenmann jaclyn jose


"Flew to the city after 11 months," Andi Eigenmann sa muling pagkikita nila ng kanyang inang si Jaclyn Jose.

Matapos ang 11 buwan, muling nakasama ni Andi Eigenmann ang inang si Jaclyn Jose.

Kasama ni Andi ang tatlo niyang mga anak na sina Ellie, Lilo, at Koa sa pagbabalik niya sa Metro Manila. Naiwan naman sa Siargao ang asawa niyang si Philmar Alipayo.

Sa Instagram, ibinahagi ni Andi ang biyahe nila papuntang Maynila, kung saan makikitang nag-enjoy sa eroplano ang mga anak nitong sina Lilo at Koa. Muli na ring nakasama ni Jaclyn ang kanyang mga apo.

"Flew to the city after 11 months. Coming back as a mom of three (without papa), was definitely [something]! But I love seeing family and the bestest of friends in the flesh!," pagbabahagi ni Andi.

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)

Ayon kay Andi, nanabik siyang balikan ang kanyang naging tahanan noong bata pa lamang at ang luto ng kanyang ina.

"Stayed in my childhood home, ate all the snacks we don't have and all of our favorite of nanay's home cooked meals. Most importantly, got a proper internet connection," dagdag niya.

Noong 2018, iniwan ni Andi ang abalang buhay niya sa Maynila at piniling manirahan sa Baler, Aurora. Kinalaunan ay lumipat din siya Siargao kasama ang anak na si Ellie. Dito niya nakilala ang partner na si Philmar, ama ng kanyang mga anak na sina Lilo at Koa.

Samantala, tingnan ang simpleng buhay ni Andi Eigenmann sa Siargao sa gallery na ito: