
Hindi mapigilang lumuha ng aktres at content creator na si Andi Eigenmann sa kaniyang panayam sa limited talk series na My Mother, My Story.
Kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, puno ng emosyon ang kanilang kuwentuhan tungkol sa yumaong ina ni Andi na si Jaclyn Jose.
Napag-alaman sa interview na taong 2024 nakaplano ang kasal ni Andi sa fiance na si Philmar Alipayo. Ito rin dapat ang taon na bibisita sa Siargao ang mahal niyang ina para makapag-relax at maka-bonding ang kaniyang mga apo.
Habang binabalikan ito ni Andi, tila raw nararamdamanan pa rin niya ang sakit at pagsisisi na hindi niya nakapiling ang kaniyang nanay sa mga huling sandali.
"That was a bit heavy for me because I don't live every day of my life thinking my mom can die tomorrow, which I don't know if that was a mistake," sabi niya.
Kuwento rin ni Andi, ang kasal nila ni Philmar ay para talaga sa kaniyang ina dahil alam niyang gusto siya makita ni Jaclyn na ikasal sa isang opisyal na wedding ceremony.
"Kasi kami ni Philmar kahit 'di kami magpakasal, asawa ko na iyan. Asawa na namin nang isa't isa. Para sa akin 'yun ang mahalaga. Pero alam ko magiging masaya si nanay kapag nagpakasal. hindi puwedeng parang kasal ko ito tapos guest lang siya, no. To me, she's my most important guest at that wedding supposedly," pahayag ni Andi.
Labis ang lungkot ng aktres kapag naalala niya ang plano nilang kasal. Hindi rin napigilang maging emosyonal si Andi nang banggitin ang yumaong ama na si Mark Gil at ang kaniyang tiyahin na si Cherie Gil.
Aniya, "It's just a bit sad because that's a big milestone in anybody's life is to get married. My dad is not around, and now my mom, and tita Cherie (Gil). So parang ang hirap sa akin isipin 'yon kasi ito 'yung mga importanteng tao sa buhay ko, unti-unti na silang nawawala. Tapos akala ko nandiyan lang sila. Akala ko may oras pa."
Dahil sa kaniyang mga naranasan natutunan raw ni Andi na, "The biggest lesson for me is to learn how to make the people you love feel it the way they want to. It's not just about the best way you know how. Also, make an extra effort to make them feel it the way they want to feel loved."
Subaybayan ang limited talk series na My Mother, My Story, tuwing second Sunday ng buwan, 3:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ang mga full episodes at highlights ng programa sa mga social media pages at website ng GMA Network.
Samantala, panoorin ang interview ni Boy Abunda tungkol sa kaniyang panayam kay Andi Eigenmann: