
Hindi biro ang maging anak ng mga kilalang aktor. Kaya naman hindi mapigilan makaramdam ng pressure ang binatang aktor na si Andre Yllana dahil sa mga magulang niyang sina Jomari Yllana at Aiko Melendez.
“Never na nawala sa sarili ko 'yung pressure,” sabi ni Andre sa isang interview sa kanya ng talent manager at entertainment reporter na si Ogie Diaz, na mapapanood sa kanyang YouTube channel.
Dagdag pa ni Andre, “Siyempre, growing up, si mommy pati si daddy artista. 'Tapos, pumasok ako nung ganung landas, so parang merong expectation 'yung tao from you.”
Sa ginanap na story conference para sa upcoming book-to-screen adaptation ng The Rain in España noong November 2022, inamin niyang mas nakikita niyang isang disadvantage ang maging anak ng isang artista kaysa advantage.
inabi niya sa kanyang ina, “Pinaka-na-pe-pressure lang naman ako kasi magaling kang umarte. Hindi naman lahat ng artista kapag nagsimula magaling na agad. 'Yun 'yung pinakakinatatakutan ko, na baka hindi ko ma-reach 'yung standards ng mga directors.”
Sa kabila nito, interesado pa rin si Andre na makatrabaho ang kanyang mga magulang sa isang serye o pelikula.
“Actually, gusto kong makatrabaho sila mommy, pero natatakot ako kasi hindi ko rin alam kung ano yung magiging... ano yung mangyayari,” sabi ng aktor.
Dagdag pa nito, “Hindi ko alam kung mahihiya ba 'ko kay mommy or mas malalakasan ba ako ng loob 'pag nakatrabaho ko sila mommy kaya gusto ko rin ma-try.”
Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na hiwalay na ang mga magulang ni Andre.
Sa panayam ni Andre, inamin niya na noong bata pa siya, inuudyok niya ang kanyang mga magulang na magkabalikan hanggang sa dumating sa panahon na natanggap na niyang hindi na ito mangyayari at natanggap na lang ang sitwasyon nila noon.
“Nung nagkakaroon na rin sila ng mga kanya-kanyang mga relationship... Nakikita ko rin naman na masaya sila, okay na ako du'n,” sabi nito.
Sa isang interview sa vlog ni Aiko, sinabi rin ni Andre kung paano niya hinanap ang pagmamahal ng isang ama at kung papaano siya maghabol dito noon.
“Siguro 'yung thirst ko for a father...dati grabe ako maghabol kay dad, siguro nasanay na rin ako na parang wala siya. Pasensya na lang kung may mga times na nakakalimutan kita,” sabi niya.
Pero kahit ganun, thankful pa rin ang batang aktor sa naranasan niya dahil hindi raw siya magiging malakas tulad ngayon kung hindi niya naranasan ang mga naranasan niya.
“Feeling ko parang practice round bago sa totoong laban,” sabi nito.
KILALANIN SI ANDRE YLLANA DITO: