
Hindi nakaiwas si Andre Yllana sa tanong tungkol sa kanyang inang si Aiko Melendez, na napapabalitang nagiging malapit ngayon kay Onemig Bondoc.
Usap-usapan kasi ngayon online ang umano'y pagiging sweet nina Aiko at Onemig sa kani-kanilang social media posts.
Mas naging curious pa ang netizens sa status ng kanilang relasyon nang mag-post ang huli ng kanilang larawan at may caption na: “Happy together… after 29 years.”
Sa media conference ng Wattppad-to-screen series na Hell Univesity nitong Miyerkules, January 21, natanong si Andre kung ano ang reaksiyon niya tungkol dito.
“Enjoy!” matipid ngunit nakangiting sagot ng binatang anak ni Aiko at dati niyang asawang si Jomari Yllana.
Dagdag pa niya, “Kasi, mukha naman po silang masaya. So, kung masaya naman po sila, enjoy po. You have all my blessing.”
Bagamat hiwalay na ang mga magulang, nanatili raw maayos ang relasyon ni Andre kina Aiko at Jomari, na ngayon ay kasal na sa aktres na si Abby Viduya
“Si Mommy po, si Daddy, okay naman po yung relationships naming. Si Mommy, lagi pong nagtatanong kung kumusta yung set, kumusta yung eksena. Si Daddy naman po, lagi po akong pinu-push na to be on time. 'Tapos, pinu-push lang po niya akong maging ready sa trabaho at saka maging professional po," ani Andre.
Related gallery: Meet Andre Yllana, a 'Guwaping' in the making