GMA Logo Andrea del Rosario
Photo by: Wish Ko Lang
What's Hot

Andrea del Rosario, gaganap bilang legal wife na sinabuyan ng asido sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published December 28, 2022 4:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea del Rosario


Abangan ang natatanging pagganap nina Andrea del Rosario, Jackie Rice, at Rodjun Cruz sa 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado sa GMA.

Tampok sa "Wish Ko Lang: Asido" ngayong Sabado, December 31, ang kuwento ng legal wife na si Merci na sinabuyan ng asido ng pangalawang babae ng kanyang mister.

Gagampanan ni Andrea del Rosario ang kwento ng buhay ni Merci. Makakasama rin niya sa episode na ito sina Jackie Rice bilang Josie at Rodjun Cruz bilang Dexter.

Hindi inaasahan ni Merci na makakapagpakasal pa siya at magkakaanak, lalo na at halos tumanda na siyang dalaga. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Dexter, gwapo, responsable pero may pagkababaero.

Hindi alam ni Merci na mayroon palang ibang babae ang kanyang mister, si Josie. Sa kagustuhang tuluyang makuha si Dexter, sinabuyan ni Josie ng asido si Merci!

"Hirap na hirap na ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang hindi ko matanggap 'yung nangyari sa akin," kuwento ni Merci sa Wish Ko Lang.

Huwag palampasin ang "Wish Ko Lang: Asido" ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

TINGNAN ANG MOST VIEWED EPISODES NG WISH KO LANG DITO: