GMA Logo andrea del rosario
Source: andreadelrosario_official/IG
What's Hot

Andrea del Rosario on pa-diva celebrities: 'We're dealing with so many things'

By Kristian Eric Javier
Published May 15, 2024 4:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

andrea del rosario


Ipinaliwanag ni Andrea del Rosario ang maaaring dahilan ng pagiging pa-diva ng ilang celebrities.

Aminado si Andrea del Rosario na hindi mawawala ang celebrities na pa-diva o mga may hindi magagandang attitude sa entertainment industry. Pero paliwanag ng aktres, mga tao lang din naman ang celebrities at maaaring maraming silang pinagdadaanan.

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, inamin ng Makiling actress na meron din siyang moments na hindi niya naiiwan sa bahay ang personal problems niya at minsan ay nadadala niya sa trabaho.

“I brought it to the set and people think, 'Oh, naku, ba't nagsusungit 'to?' But hindi nila alam. You have a family slash financial slash relationship problem all at the same time,” sabi niya.

Dagdag pa ni Andrea, 'yun ang isang bagay na hindi nakikita madalas ng mga tao, lalo na kapag nasaharap na sila ng camera.

“Kasi, we deal with emotions and then, we always have to... Of course, part of our job description is to always be happy and smiling for people. They don't understand that we're human beings that [go] through also a lot,” sabi niya.

Dagdag pa ni Andrea, dahil mahirap ipaliwanag sa mga tao na may pinagdadaanan din ang celebrities, magiging tatak na umano ang pagiging diva nila sa mga manonood.

TINGNAN ANG PAGBABALIK-TANAW NI ANDREA SA KANIYANG NAGING SHOWBIZ CAREER SA GALLERY NA ITO:

Ayon sa aktres, bukod sa pagiging pa-diva ng celebrities, kailangan din harapin ang ego ng mga ito, lalo na ng newbie artists.

Aniya, “It's kind of hard to deal with sudden stardom as well. And can you imagine? I mean, wala naman manual yan, at wala naman tayong psychiatrist to [help us] deal with [it].”

Pagpapatuloy ni Andrea, gaya ng pag-aalaga ng physical na katawan ng mga artista, kailangan din nilang pangalagaan ang kanilang mga isip.

“You have to take care of your brain, too. And here, siguro parang it's somehow taboo if you talk to someone about your [problems],” sabi niya.

Sinang-ayunan din ni Andrea ang sinabi ni Nelson na dapat itigil na ang stigma na hindi dapat nagpapa-psychiatrist ang celebrities para mapangalagaan ang kanilang mga isip.

Pakinggan ang buong interview ni Andrea dito: