
Isa sa mga topic ng Akusada viewers ang latest episode ng intense drama.
Pinag-usapan online ang September 24 episode, kung saan inimbitahan ni Lia (Jourdanne Baldonido) ang kanyang Super D na si Wilfred (Benjamin Alves) sa kanilang family outing.
Dito ay nakita ni Wilfred si Carol, ang karakter ni Andrea Torres at tila sobrang nabighani ang una sa kagandahan ng kanyang dating partner.
Maraming viewers ang talaga namang tumutok sa muling pagpapakilig nina Andrea at Benjamin bilang love team sa serye.
Karamihan pa sa fans ay nagre-request at umaasa na sana ay magkabalikan na ang dalawa para na rin sa anak nila na si Lia (Jourdanne Baldonido).
Sa unang episodes ng serye, inilahad ang unang pagtatagpo nila hanggang sa muli silang nagkita at nahulog na ang loob nila sa isa't isa.
Kasunod ng mga ito, labis nang kinakiligan ang undeniable chemistry nina Andrea at Benjamin bilang sina Carol at Wilfred.
Huwag palampasin ang susunod pang kilig at intense na mga eksena sa 2025 drama series na 'Akusada,' weekdays 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.
Related gallery: Andrea Torres and Benjamin Alves on the set of 'Akusada'