
Handa na sina Andrea Torres at Faith Da Silva sa kanilang gagampanang roles sa upcoming GMA medical drama series na Code Gray.
Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Miyerkules, April 22, ibinahagi ng Kapuso actresses na ito ang kanilang unang pagganap bilang medical practitioners.
“Syempre may pressure kasi meron akong kapatid na doctor, so gusto mo siya ma-represent well diba,” sabi ni Andrea.
Sa ngayon, nagsisimula na siyang maghanda para sa kanyang role.
“So, definitely, magtatanong-tanong ako, magre-research ako. Gusto ko rin matuto kung ano 'yung mga cases na magkakaroon kami dito,” kuwento niya.
Ganoon din si Faith, na naghahanda na rin at unti-unti nang nag-a-adjust upang makawala sa kanyang karakter bilang Flamarra sa Encantadia Chronicles: Sang'gre at makapagpokus sa kanyang role bilang doktor sa serye.
Ipinakilala ang star-studded cast ng Code Gray sa ginanap na story conference noong Martes, April 21.
Kabilang sa cast sina Alden Richards, Christopher de Leon, Romnick Sarmenta, Shuvee Etrata, Allen Ansay, Joross Gamboa, Christian Bautista, Kristoffer Martin, at Jon Lucas.
Abangan ang Code Gray ngayong 2026 sa GMA!
Panoorin ang buong panayam dito:
RELATED GALLERY: Kilalanin ang cast ng Code Gray, ang upcoming medical drama series ng GMA