GMA Logo  Akusada in Family Feud
What's on TV

Andrea Torres, Benjamin Alves, at cast ng 'Akusada,' magpapagalingan sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published July 1, 2025 2:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

 Akusada in Family Feud


Alamin kung ang Team Carol o Team Wilfred ba ang magwawagi sa 'Family Feud' ngayong July 1!

Happiness overload ang hatid ng Family Feud ngayong Hulyo!

Sa unang araw ng Hulyo, mapapanood sa Family Feud ang cast ng bagong GMA Afternoon Prime na Akusada. Tampok sa episode na ito ang ipinagmamalaking mahuhusay na aktor sa GMA at ang tambalan nina Ashley Sarmiento at Marco Masa na AshCo.

Ang Akusada ay pinagbibidahan ni Andrea Torres na gaganap bilang Carolina. Si Carolina ay magbabago ng katauhan para takasan ang isang krimen. Makakasama niya rito ang leading man niyang si Benjamin Alves na mapapanood naman bilang Wilfred. Silang dalawa ang magiging leader ng Team Carol at Wilfred sa episode ng Family Feud ngayong July 1.

Kasama ni Andrea sa Team Carol si Lianne Valentin na gagampanan ang karakter na Roni sa Akusada, si Ashley Sarmiento na gaganap naman na Amber, at si Jennifer Maravilla na mapapanood bilang Fern.

Magiging kagrupo ni Benjamin Alves sa Team Wilfred si Ahron Villena. Siya ay mapapanood sa Akusada bilang Gian. Kabilang din sa Team Wilfred si Marco Masa na gaganap na Tristan, at Arnold Reyes na magpapakita ng husay bilang Dennis.

Hindi pa nananalo sa Family Feud si Benjamin. Manalo na kaya siya ngayong unang araw ng Hulyo? Abangan ang cast ng Akusada sa pinakamasayang family game show sa buong mundo ngayong Lunes (July 1) sa Family Feud!

“Happiness Overload” ang hatid ng Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.