GMA Logo Andrea Torres
Source: Unang Hirit
What's Hot

Andrea Torres, grateful sa gabay ng kapatid na doktor para sa seryeng 'Code Grey'

By Kristian Eric Javier
Published June 29, 2026 2:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO Usec. Castro press conference (June 29, 2026) | GMA News
Zara Larsson is bringing the Midnight Sun tour to the Philippines
LPA inside PAR may develop into tropical depression within 24 hours

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres


Tinatawagan pa ni Andrea Torres ang kapatid na doktor para lang magpatulong sa kanyang role sa 'Code Grey.'

Dumaan man sa training sina Andrea Torres, Alden Richards, Kristoffer Martin, at iba pang cast ng upcoming medical series na Code Grey, marami pa rin silang kinakaharap na hamon para sa mga role na gagampanan nila rito.

Kaya naman si Andrea, grateful sa kapatid niyang doktor na napagtatanungan niya, lalo na ng mga mahihirap at nakakalitong medical terms.

"Grabe 'yung mga medical terms talaga and dapat, siyempre, accurate. So laging merong consultant on set na nagche-check ng kilos namin, ng mga linya namin," sabi ni Andrea sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas para sa Unang Hirit.

Pag-amin ni Andrea, tinatawagan niya ang kanyang kapatid na doktor para magpatulong at magtanong.

"Tinatanong ko talaga sa kanya kung tama 'yung 'pag-pronounce ko, kung tama rin 'yung parang interpretation ko na magiging reaksyon ng doktor sa ganitong sitwasyon," sabi ni Andrea.

Sa kabila ng hamon na kinakaharap nila sa kanilang role, nagiging magaan naman ang kanilang set dahil sa bonding ng cast. Sa katunayan, nagiging comedy pa nga ang ilang dramatic scenes ayon kay Andrea off cam.

"Para kaming barkada on set to the point na nilalapitan na talaga kami na ''Wag muna kayo magsama-sama kasi kailangan na nating i-shoot 'to,'" pagbabahagi ng aktres.

Ani Andrea, pag-cut pa lang ng direktor, tawanan at kuwentuhan kaagad sila ng kanyang mga co-star.

Sa hiwalay na panayam kay Alden, inamin ng aktor na mahirap naman talaga gumawa ng isang proyekto kung hindi komportable sa mga katrabaho.

"For some reason, iba't ibang flavor 'yung nabibigay ng mga actors na kasama ko dito," sabi ng aktor.

Bilang paghahanda sa kanilang mga role, nag-immersion ang cast ng Code Grey kamakailan lang sa isang ospital. Dito, natutunan din ng cast kung paano ang tamang paggamit ng medical equipment.

Abangan ang Code Grey ngayong 2026 sa GMA Network.

Panoorin ang panayam kay Andrea dito: