GMA Logo Magpakailanman
What's on TV

Andrea Torres, misis na makukulong sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published July 9, 2026 4:16 PM PHT
Updated July 9, 2026 5:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robin Padilla visits Rodante Marcoleta at PNP General Hospital
Heart Evangelista shines at Max Mara Shanghai celebration
Crocodile released back into Liguasan Marsh after rehabilitation

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Gaganap si Andrea Torres bilang misis na makukulong dahil sa "crime of passion" 'Magpakailanman.'

Ipapamalas ni Kapuso actress Andrea Torres sa brand-new episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Bibida siya sa episode na pinamagatang "Ganti ni Misis" kung saan makukulong ang isang babae dahil sa "crime of passion."


Gaganap si Andrea bilang Nenita, isang mabuting asawa pero laging pinagtataklisan ng kanyang mister.

Nang mahuli niya ang asawa at kabit nito, makakagawa siya ng isang matinding krimen.

Ano ang magiging buhay ni Nenita sa piitan?

Bukod kay Andrea Torres, bahagi rin ng episode sina Carlo Gonzalez, Alex Medina, Analyn Barro, at Anna Marin.

Abangan ang brand-new episode na "Ganti ni Misis," July 11, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.