Celebrity Life

Andrea Torres on being a comedienne

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 2, 2020 7:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Arrest warrant out for Rodante Marcoleta, 3 others over P75-M undeclared donations
Happy ToGetHer: First kiss sa first date agad-agad! (YouLOL)
Cebu school suspends classes after security threat

Article Inside Page


Showbiz News



Mas nakilala natin si Andrea Torres bilang isang dramatic actress dahil sa kanyang mga naging role sa mga teleserye tulad ng My Beloved, Sana Ay Ikaw Na Nga at With A Smile. Hindi alam ng marami na may comedic side din ang aktres, at naipapakita niya ito sa Bubble Gang. 

Mas nakilala natin si Andrea Torres bilang isang dramatic actress dahil sa kanyang mga naging role sa mga teleserye tulad ng My Beloved, Sana Ay Ikaw Na Nga at With A Smile. Hindi alam ng marami na may comedic side din ang aktres, at naipapakita niya ito sa Bubble Gang

Isa na sa mga regular cast members si Andrea ng longest running gag show sa bansa, pero paano ba siya napasali dito?

"Before naman kasi mag SAINN [Sana Ay Ikaw Na Nga], madalas na ako kinukuha na mag-guest sa Bubble Gang so after matapos 'yung mga soap, nag-resume lang siya. And sumakto 'yung timing. I feel blessed na mabibigyan ako ng bagong show, at saka 'yung show na ito talagang nirerespeto ng mga tao. Ang tagal na niya, and talagang halos lahat nanonood," kuwento ni Andrea nang makausap namin sa pictorial ng Bubble Gang.

Aniya, hindi naman daw siya komedyante at ipinapakita lamang niya ang kanyang kakulitan. "Actually hind ko nga kino-consider ang sarili ko na komedyante (laughs). Ine-enjoy ko lang talaga. 'Yung kalog, 'yung kulit na hindi nila usually nakikita sa akin, nilalabas ko lang. Ini-interpret ko lang kung paano ko siya gagawin in real life kung mangyari sa akin ang situation na 'yun. Pero wala naman ako talagang style sa pagpapatawa."

Inamin din niya na marami na rin siyang natututunan sa mga kasamahan niya sa programa. "Tinuturo nila 'yung timing, 'yung tamang pag-atake. At 'yung sabi nila, parang don't try too hard na parang gagawin mo talaga comedy. Mas maganda kung 'yung situation mismo ang nakakatawa."

Kinamusta din namin ang team ni Andrea sa Sunday All Stars at ang kanyang team, ang Instagang. "Actually hindi pa nga kami nag-meet, Viber pa lang, parang close na kami agad lahat. So finally nung nag-meet kami, nag-bowling agad kami, nagkulitan agad kami, tapos nag-night out pa kami. Ang saya kasi, at least, nagkaroon ka ng bagong set of friends kasi for a long time nandun ka lang sa grupo mo eh. At least, parang dumadami 'yung nagiging ka-close mo doon sa show."

Malaki rin daw ang naitulong ng pagkakabilang niya sa Sunday All Stars. "Ang dami ko kasing na-experience dahil sa SAS. 'Yung mga lifting, 'yung mga bagay na akala ko hindi ko kayang gawin pero kaya ko naman pala. So siguro parang naging mas risk-taker ako."

Dagdag pa niya, "Nung nagkaroon nga kami ng episode na hindi na contest, 'yung nagbigay ng awards, lahat napansin na parang gumaling lahat. Siguro nakakatulong din 'yung may contest na factor kasi pinu-push mo lagi ang sarili mo to your limits. Ngayon, tuwing nagpe-perform kami, may ganung standard na."

Catch Andrea Torres sa Bubble Gang every Friday after GMA Telebabad and on Sunday All Stars every Sunday before Dormitoryo. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com