Celebrity Life

Andrea Torres, pumuputok ang anit?

By Marah Ruiz
Published March 12, 2020 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

EDSA rehab begins Dec. 24
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres skincare routine


Sa pinakabagong vlog ni Andrea Torres, ibinahagi niya ang kakaibang talento niya.

Isang kakaibang talento ang ipinamalas ni Kapuso actress Andrea Torres sa pinakabago niyang vlog.

Dito, ni-reveal ni Andrea ang popping sound na naririnig mula sa kanyang anit kapag hinihila niya ang kanyang buhok.

"May weird habit ako. Bakit nga ba ganoon? Guys, ito matagal na 'kong curious. Bakit pumuputok 'yung scalp ko? I'll show you guys. Minsan ginagawa ko 'to kapag masakit 'yung ulo ko from work. Tumutunog talaga siya," pahayag ni Andrea matapos i-demonstrate ang paghila ng kanyang buhok.

Bukod dito, ibinahagi ni Andrea ang kanyang nighttime skincare routine.

"Number one rule: Kahit gaano kahaba 'yung araw mo, kailangan mo 'tong gawin," paalala niya.

Sa kotse pa lang daw habang pauwi, tinatanggal na ni Andrea ang kanyang makeup. Susundan niya ito ng mga produktong anti-aging at for repair, lalo na kung matagal siyang naka makeup dahil sa taping o trabaho.

"Ito 'yung best time na mag-pack ka ng skincare products kasi ito 'yung time na 'yung skin mo bumabawi," aniya.

Panoorin ang nighttime skincare routine ni Andrea, pati na ang kakaibang pagputok ng kanyang anit sa pinakabago niyang vlog.


Samantala, naibahagi na niya ang kanyang napakahabang morning skincare routine sa isang nakalipas na vlog.