
Ready na ulit umibig si Kapuso actress Andrea Torres matapos niya mag-focus sa kanyang career.
Inamin ni Andrea na natakot siyang umibig noon dahil baka maging sagabal ito sa kanyang career pero handang handa na siya ngayon.
"Ready naman na. Iniintay ko lang kung kanino. Sabi kasi nila wag mo raw hanapin, dadating daw yung tama for you," saad ni Andrea.
"So 'yon yung iniintay ko pero ready na ako."
Mapapanood si Andrea sa isang maaksyong episode ng Wish Ko Lang mamaya, kung saan gaganap siya bilang Lanie, isang babaeng Asintado.
WATCH: Teaser of Andrea Torres-starrer 'Wish Ko Lang' episode this Saturday reaches 1.4M views
Panuorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras sa video na ito: