
Masayang nagbalik-Pinas si Andrea Torres matapos ang kanyang dalawang linggong bakasyon sa Hawaii.
Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Huwebes, May 28, ibinahagi ng Code Grey actress na sinulit niya ang kanyang Hawaii trip sa pamamagitan ng pag-explore ng iba't ibang outdoor activities.
"E, ako mahilig naman talaga ako sa mga outdoor na activities, so ang Hawaii, sagana sa ganoon. Marami silang mga mountains, trees, roadtrip, nag-volcano [rin] kami," bahagi niya.
Dagdag pa ng aktres, "So, ang dami kong na-experience sa two weeks na 'yun. Ang saya ng heart ko."
Sa kanyang Instagram post, makikitang natupad na niya ang isa sa kanyang bucket list — ang mag-skydiving para sa selebrasyon ng kanyang birthday week.
"Capping off the best 2-week birthday celebration ever by finally doing the craziest thing on my bucket list - Skydiving!!!" saad niya sa caption.
Sa isa pang post, ibinahagi ng Sparkle artist na nakapag-hike siya sa dalawang bundok.
Abangan ang pagganap ni Andrea bilang isa sa mga doktor sa upcoming GMA medical drama series na Code Grey.
Makakasama ni Andrea sa serye sina Alden Richards, Christopher de Leon, Romnick Sarmenta, Shuvee Etrata, Faith da Silva, Allen Ansay, Christian Bautista, Joross Gamboa, Kristoffer Martin, at Jon Lucas.
Panoorin ang buong balita sa video sa itaas.
RELATED GALLERY: Andrea Torres makes a splash with new birthday photos