GMA Logo andres muhlach and rabin angeles
Courtesy: Andres Muhlach and Rabin Angeles
What's Hot

Andres Muhlach-Rabin Angeles rivalry, hanggang onscreen lang

By Nherz Almo
Published November 25, 2025 12:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Turkish Airlines flight makes emergency landing in Barcelona after threat
Sinulog 2026: Around 20,000 devotees join 'Traslacion'
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

andres muhlach and rabin angeles


Inamin ni Rabin Angeles na minsan ay naaapektuhan na siya sa negative comments. Alamin ang payo sa kanya ni Andres Muhlach dito:

Sinigurado ng mga binatang aktor na sina Andres Muhlach at Rabin Angeles na walang anumang personal na hidwaan sa pagitan nilang dalawa.

Sa ginagawa kasi nilang web series na Ang Mutya ng Section E, matinding magkaribal ang mga karakter na kanilang ginagampanan. Kaya naman minsan ang kani-kanilang fans ay may maiinit na diskusyon online.

Gayunman, nilinaw ni Andres na sa likod ng kamera ay magkaibigan sila ni Rabin, pati na ang iba pang parte ng cast.

“Sa tingin ko, when we come to work talaga, we're all friends, really,” sabi ni Andres sa press conference ng programa kamakailan.

Aniya pa, hindi nila hinahayaang makaapekto ang negative comments sa relasyon nila bilang co-actors.

Sabi ni Andres, “That's the beauty of the show, the bond of everyone in the cast. I think that's what the magic really is. Kahit naman nag-aaway sila [fans] minsan, it's just really important na we try not to look into it too much talaga.”

Diin pa niya, “At the end of the day, we're all friends and we enjoy each other's company. Really, at the end of the day, I don't think it's a rivalry. I think they're just very supportive, and they just want the best of us.”

Sa kabilang banda, sinabi ni Rabin kung paano siya laging pinaaalalahanan para hindi maapektuhan ng negative comments mula sa fans

Kuwento niya, “May workshop po kami ni Ms. Ana Feleo, napag-usapan po namin 'yan—kung nagbabasa-basa ba kami ng [comments]. Kasi, noong nagsisimula pa lang kami, sinasabi sa akin ni Andres-- Sinasabi ko po sa inyo na parang kuya ko talaga 'yan. Sinasabi po niya sa akin na, 'Huwag kang magbabasa ng mga comments masyado para hindi ka maapektuhan.'

“Kaya noong sa workshop namin, napag-usapan namin 'yan, meron talagang times na nagbabasa ako ng mga comments 'tapos, minsan nalulungkot po ako. Parang ni-remind po niya [Andres] ako, 'Okay, game na ulit tayo, huwag kang magbabasa-basa ng comments masyado para hindi ka maapektuhan.'”

Related gallery: Celebrities who ended their conflict