GMA Logo Andrew E
Source: andrewe_dongalo/IG
What's on TV

Andrew E, naghahanda na para sa kaniyang first major concert

By Kristian Eric Javier
Published November 19, 2024 4:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD, DTI-BOI in talks for possible corporate income tax exemption on economic housing
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Andrew E


Matapos ang 34 years, handa na ang rap icon na si Andrew E na magtanghal sa kaniyang first major concert.

Kahit na mahigit 34 years na ang rap icon na si Andrew E sa industriya, ngayon lang daw siya umano magkakaroon ng kaniyang first major concert, ang "1 Time for Your Mind" concert na gaganapin sa New Frontier Theatre ngayong December 11.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, November 18, inamin ni King of Talk Boy Abunda na nabigla siya nang malaman na ito ang first major concert ni Andrew. Kaya naman, hindi naiwasan ng batikang host na tanungin kung bakit ngayon lang naisip ng rap icon na gawin ang naturang pagtatanghal.

Paliwanag ni Andrew, “Nu'ng araw, 34, 35, 36 years ago, ang panuntunan ng lahat ng artist is gawa ka muna ng major concert bago ka tanggapin ng buong madla, bago ka tanggapin ng industriya. But what happened to my career was nagawa ko muna 'yung achievements, nakalimutan kong gawin 'yung major concert.”

Kuwento ni Andrew, simula nang lumabas ang hit single niyang "Humanap ka ng Pangit" ay nagtuloy-tuloy na ang kaniyang karera sa entertainment industry. Dahil dito ay nakalimutan na niyang gumawa ng first major concert kaya naman naisip niyang gawin ito ngayon.

“Let's give it a try, let's give it a chance, and among all those years, I found somebody who gave me the freedom, who gave me the free hand, 'Okay, you can do whatever you like, artistry and all that, and in turn, I'll give you my signature. I'll sign for you,'” pag-alala ng rapper-actor.

BALIKAN ANG ACADEMIC ACHIEVER KIDS NI ANDREW SA GALLERY NA ITO:

Pagbabahagi naman ni Andrew ay magiging “fun” at naiiba ang kaniyang concert dahil kung dati ay nagpe-perform siya na nakatayo ang audience niya, ngayon ay nakaupo sila. Naiibang experience at challenge umano ito sa kaniya dahil “How will I entertain people with them sitting down?”

Binalikan din ni Boy ang sinabi noon ng isa pang master rapper na si Gloc-9 sa show kung saan sinabi nitong napapagod na siya. Dito ay tinanong ng King of Talk kung nakaramdam din ba si Andrew ng ganu'n sa 34 years ng kaniyang karera.

Ang sagot ni Andrew, “Pwede ba akong manggulat ng sagot? Tito Boy, I've never started yet. I have never started yet. Magkakamali po kayong lahat, mga giliw na nanonood, akala niyo po 34 years in the industry or I've done everything, all of these things, hindi pa po ako nagsisimula.”

“And one of which I'm referring to is I've never done a Hollywood movie. And I'm about to do next year. I'll be producing my own Hollywood movie next year,” pagpapatuloy ng rap icon.