What's on TV

Ang kuwento ng paranormal activity sa Baguio, tampok sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Published November 10, 2022 1:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DILG press conference (Mar. 19, 2026) | GMA Integrated News
Iloilo reaps medals as WVRAA Meet 2026 kicks off
Roofing materials at food packs, hatid ng GMAKF sa mga binagyo sa Brgy. Pagsangahan | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Amazing Earth


Alamin ang ibabahaging kuwento ni Dingdong Dantes sa 'Amazing Earth' ngayong November 13.

Ang paranormal activity sa Baguio City ang isa sa mga kuwentong ibabahagi ni Dingdong Dantes ngayong November 13 sa Amazing Earth.

Sa Linggong ito, mag-e-explore tayo sa Japanese tunnels na matatagpuan sa Baguio. Aalamin natin ang kuwento nito at iimbestigahan rin natin ang sinasabing paranormal activity sa 75-year-old structure.

Mapapanood sa Amazing Earth ang paranormal investigator na si Anton Villa-Abrille para bigyan tayo ng tour sa Baguio's haunted places kung saan kabilang rin ang Japanese tunnels. Alamin rin natin kung paano nakakatulong sa tourism industry ng Baguio ang fright tour.

Para sa exciting na adventure sa animal kingdom, abangan naman ang kuwento ng pagkakaibigan ng mga hayop sa BBC nature-documentary “Spy in the Wild.”

Huwag magpapahuli sa Linggo na puno ng adventure sa Amazing Earth, 5:20 p.m. sa GMA Network.

Maaaring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

BALIKAN ANG MGA AMAZING ADVENTURES NI DINGDONG DITO: