
Unang Linggo pa lang ng November, panalo na sa ratings ang tinututukang amazing na mga adventures at istorya ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth.
Panalong panalo sa ratings ang unang handog ngayong November ng Amazing Earth. Umani ng 7.8 percent rating ang episode ng Amazing Earth noong November 6 ayon sa NUTAM People Ratings.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Tampok nitong Linggo ang kuwentuhan at bonding nina Dingdong at Born to be Wild hosts na sina Doc Nielsen Donato at Doc Ferds Recio, at mga exciting na istorya mula sa nature documentary na “Wild Hunters: Bears.”
Patuloy na subaybayan ang Amazing Earth tuwing Linggo, 5:20 p.m. sa GMA Network.
Kung hindi mo man ito napanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.