
Sa ikalimang linggo ng Ang Lihim ni Annasandra, isang masamang balita ang naghihintay kay Annasandra (Andrea Torres) nang imbitahin siya ni Lorraine (Cris Villonco) sa birthday celebration nito.
Habang nasa party, inilahad ni Lorraine sa harap ng kanyang guests at ni Annasandra ang lihim ni William (Mikael Daez) na ginamit lamang nito ang dalaga upang magrebelde sa kanyang ina.
Nang dahil sa matinding galit at hinagpis na naramdaman ni Annasandra, muling nanumbalik ang kanyang sumpa ng pagiging awok.
Sa pagbabalik ng anyong awok ni Annasandra, naghasik siya ng panganib at lagim sa mga taong nasa paligid niya.
Upang maitago ang kanyang lihim na anyo, kailangang lumipat nina Annasandra, Belinda (Glydel Mercado), at Carlos (Emilio Garcia) sa mas liblib na lugar at do'n manirahan. Tinulungan naman ni Enrico (Pancho Magno) ang pamilya ng dalaga at nakahanap ng bagong bahay para sa kanila.
Nang dahil sa isang aksidente, nasawi ang pinakamamahal na ina at kapatid na babae ni Enrico.
Sinabi naman ni Belinda kay Annasandra na mahalin nito si Enrico upang tuluyan nang mawalan ng bisa ang kanyang sumpa.
Hindi naman pinalampas ni Esmeralda (Rochelle Pangilinan) na makipagkaibigan kay Lorraine upang makaganti siya kay Annasandra at tinuro ang kinaroroonan ng huli.
Sa muling paghaharap nina Annasandra at Lorraine, nasaksihan ng mga ka-barangay ng una ang pag-aaway ng dalawang babae.
Patuloy na subaybayan ang Ang Lihim ni Annasandra tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Balikan ang mga eksena sa Ang Lihim ni Annasandra dito.
Ang Lihim ni Annasandra: Lorraine's surprise for Annasandra | Episode 21
Ang Lihim ni Annasandra: Panunumbalik ng sumpa ni Annasandra | Episode 22
Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra moves out of the city | Episode 23
Ang Lihim ni Annasandra: Belinda's bright idea | Episode 24
Ang Lihim ni Annasandra: Esmeralda found an ally | Episode 25