GMA Logo Andrea Torres and Mikael Daez
What's on TV

Ang Lihim ni Annasandra: Ang pagkikita nina Annasandra at William | Week 2

By Dianne Mariano
Published November 29, 2021 10:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres and Mikael Daez


Nakilala ni Annasandra ang lalaking si William, ang nagligtas sa buhay ng dalaga na nais itong ligawan.

Sa ikalawang linggo ng Ang Lihim ni Annasandra, niligtas ni William (Mikael Daez) si Annasandra (Andrea Torres) mula sa mga lalaking nais pagsamantalahan ang huli at dinala ito sa ospital.

Hindi man nalaman ni William ang pangalan ng kanyang tinulungan, hindi pa rin ito matanggal sa isip niya.

Nang makita ni Annasandra ang nangyari sa pamilya ni Enrico (Pancho Magno), mas lalo nitong naramdaman kung gaano siya kamahal ng kanyang mga magulang.

Hindi naman inakala ni Annasandra na makikita pa nito muli ang lalaking nagligtas sa kanya noon. Nang matanggap ang dalaga sa trabaho sa wellness spa, do'n din niya nalaman na si William ay ang anak ng may-ari ng kumpanya at boss niya pa ito.

Para makatulong sa kanyang anak at asawa, tinanggap ni Belinda (Glydel Mercado) ang trabahong inalok ni Enrico bilang labandera.

Hindi naman gumana ang pang-aakit ni Lorraine (Chris Villonco) upang maging kasintahan niya si William. Sa pag-uusap nina Lorraine at ina ni William na si Hazel (Joyce Burton), sinabi ng huli na kahit ano pang gawin ng kanyang anak, sa una pa rin ito mapupunta.

Labis na nasaktan naman si Annasandra matapos itong sabihan ng 'di magagandang salita ng ina ni William.

Nagulat din ang dalaga nang ipagsigawan ni William sa kumpanya na liligawan niya ito. Hindi naman agad pumayag si Annasandra rito upang hindi siya mawalan ng trabaho.

Hindi napigilan na maiyak ni Annasandra matapos ipamukha ni Lorraine kung gaano kaliit ang pagkakataong magustuhan siya ni William.

Tuluyan na kayang iiwasan ni Annasandra si William? Patuloy na tutukan Ang Lihim ni Annasandra tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, balikan ang mga eksena sa Ang Lihim ni Annasandra rito.

Ang Lihim ni Annasandra: William is whipped for a stranger! | Episode 6

Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra meets her savior again | Episode 7

Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra meets the witch mom | Episode 8

Ang Lihim ni Annasandra: Flowers for Annasandra | Episode 9

Ang Lihim ni Annasandra: William gets rejected | Episode 10