
Sa ikaapat na linggo ng Ang Lihim ni Annasandra, labis ang galit ng ina ni Annasandra (Andrea Torres) na si Belinda (Glydel Mercado) matapos bumisita ni William (Mikael Daez) sa kanilang tahanan habang isang awok ang anak nito.
Dahil dito, nagkaroon ng matinding away sa pagitan ng mag-ina. Tuluyan nang sinuway ni Annasandra ang kanyang mga magulang at umalis ito sa kanilang bahay.
Nang sumapit ang gabi, labis ang tuwa ng nina Belinda at Carlos (Emilio Garcia) matapos ihatid ni William ang kanilang anak bilang isang tao at hindi awok. Nagkaroon din ng pagpapatawad ang mag-ina matapos ang kanilang 'di pagkakaunawaan.
Habang nasa isang pagtitipon, inanunsyo ni William na magkasintahan na sila ni Annasandra at gumawa ng plano si Lorraine (Chris Villonco) upang mapahiya ang dalaga sa harap ng mga tao.
Niligtas naman ni Esmeralda (Rochelle Pangilinan) ang buhay ni Annasandra matapos ma-holdap ng huli. Sa muling pagkikita ng dalawa, hindi naaalala ng dalaga ang babaeng nagbigay ng sumpa nito.
Nabahala naman si Belinda nang mapanaginipan na bumalik ang sumpa ng kanyang anak.
Sa pag-uusap nina William at Kenneth (Arthur Solinap), sinabi ng huli na hindi dapat malaman ni Annasandra ang sikreto ng una, na balak lamang niyang gamitin noon ang dalaga.
Lingid sa kanilang kaalaman na narinig ni Lorraine ang lahat. Ano kaya ang gagawin niya sa impormasyong ito?
Patuloy ng panoorin ang Ang Lihim ni Annasandra tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Balikan ang mga eksena sa Ang Lihim ni Annasandra rito.
Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra's unexpected visitor | Episode 16
Ang Lihim ni Annasandra: The curse is gone! | Episode 17
Ang Lihim ni Annasandra: Esmeralda is back! | Episode 18
Ang Lihim ni Annasandra: Esmeralda tries to kill Annasandra | Episode 19
Ang Lihim ni Annasandra: Belinda's terrible nightmare | Episode 20