
Sa ikalabing-dalawang linggo ng Ang Lihim ni Annasandra, pumayag si Annasandra (Andrea Torres) sa kagustuhan ni Esmeralda (Rochelle Pangilinan) upang magamot ng huli si William (Mikael Daez). Bumuti ang kalagayan ng dating nobyo ni Annasandra matapos ito paggalingin ni Esmeralda.
Sinundan naman ni Belinda (Glydel Mercado) ang narinig nitong boses na tila galing sa kanyang anak hanggang sa nakahanap ito ng oportunidad na makatakas mula sa mental health facility.
Nasaksihan ni Esmeralda na pinuntahan ni Annasandra si William sa ospital kaya nakaramdam ito ng matinding galit at muling sinaktan ang itinuturing niyang anak.
Nang mag-improve ang kalagayan ni William, sinabi ng kanyang ina na si Hazel (Joyce Burton) na maaari nang makipagkita at makausap ng una ang dati nitong nobya.
Ang pagmamahal naman ni Annasandra para kay Esmeralda ay nauwi sa poot dahil sa pagmamaltrato nito sa kanya. Naging makasarili kasi sina Esmeralda at Enrico at ikinulong muli si Annasandra sa kanyang kuwarto.
Hindi naman tumigil si Enrico sa pang-aatake kay William hangga't patuloy pa rin nitong kinukuha si Annasandra sa kanya. Nang dahil sa muling pag-atake ni Enrico bilang isang awok, nakagat niya ang ina ni William na agad dinala sa ospital.
Tinulungan naman ni Rosario (Maria Isabel Lopez) na makatakas si Annasandra sa pagkakakulong nito sa bahay upang hanapin si William. Naging matagumpay ang escape plan ni Annasandra at muli niyang nakita ang kanyang ina na inakala nitong matagal nang namayapa.
Patuloy na subaybayan Ang Lihim ni Annasandra, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, balikan ng mga eksena sa Ang Lihim ni Annasandra dito.
Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra accepts Esmeralda's deal | Episode 58
Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra's final glimpse to her true love | Episode 59
Ang Lihim ni Annasandra: From fondness to hatred | Episode 60
Ang Lihim ni Annasandra: William is in danger! | Episode 61
Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra is finally free | Episode 62