GMA Logo Glydel Mercado and Andrea Torres
What's on TV

Ang Lihim ni Annasandra: Belinda regains her memory about Annasandra! | Week 14

By Dianne Mariano
Published February 21, 2022 10:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Glydel Mercado and Andrea Torres


Matapos makita ang pananakit ni Enrico (Pancho Magno) kay Annasandra (Andrea Torres), bumalik ang mga alaala ni Belinda (Glydel Mercado) tungkol sa kanyang nag-iisang anak.

Sa ikalabing-apat na linggo ng Ang Lihim ni Annasandra, naging matagumpay ang pagtakas ni Annasandra (Andrea Torres) mula kina Esmeralda (Rochelle Pangilinan) at Enrico (Pancho Magno). Matapos masaksihan ni Belinda (Glydel Mercado) ang pananakit ni Enrico sa kanyang anak, bumalik ang mga memorya niya tungkol kay Annasandra at sinalba ang buhay nito.

Pagkatapos ng lahat ng hirap na kanyang pinagdaanan, handa na si Belinda na harapin at kalabanin ang mga nagpahirap sa kanyang anak. Patuloy pa rin ang pag-aalala ni Annasandra para sa dati niyang nobyo na si William (Mikael Daez) at sa ina nitong si Hazel (Joyce Burton). Link:

Nangyari naman ang kinatatakutan ni Annasandra dahil namatay ang nanay ni William dahil sa lason ng awok. Nang makita ni Esmeralda sina Belinda at Annasandra, nagmakaaawa ang una sa kanyang anak-anakan ngunit hindi pa rin siya ang pinili nito.

Upang makuha muli si Annasandra, ginamit ni Enrico ang isa sa mga kahinaan ng una, ang kaibigan nitong si Becca (Erika Padilla). Muli namang nabalot sa galit ang puso ni Esmeralda nang hindi siya piliin ni Annasandra kaya sinaktan niya ito muli.

Tinulungan naman ni Enrico na makalaya si Annasandra mula sa pananakit ni Esmeralda ngunit ginawa lamang niya 'yon para sa sariling interes.

Sinundan nina William at Kenneth (Arthur Solinap) ang jeepney kung saan nakasakay si Annasandra upang tulungan itong makalaya. Matapos makipaglaban ng dalawa kay Enrico, tinulungan nila si Annasandra matapos tumama ang ulo nito sa kotse.

Maililigtas kaya ni William ang babaeng matagal na niyang minamahal? Patuloy na subaybayan Ang Lihim ni Annasandra, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, balikan ng mga eksena sa Ang Lihim ni Annasandra dito.

Ang Lihim ni Annasandra: The power of a mother's love | Episode 68

Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra's forever protector | Episode 69

Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra is terrified of facing William again | Episode 70

Ang Lihim ni Annasandra: Annasandra's rejects Esmeralda | Episode 71

Ang Lihim ni Annasandra: William to the rescue! | Episode 72