
Sa ikalabing-tatlong linggo ng Ang Lihim ni Annasandra, muling nagtagpuan ni Annasandra (Andrea Torres) ang kanyang mga magulang na sina Belinda (Glydel Mercado) at Carlos (Emilio Garcia). Nalaman rin ni Annasandra ang nakakalungkot na sinapit ng kanyang ina noong nawala siya.
Tuluyan naman na binawian ng buhay ang ina ni William (Mikael Daez) na si Hazel (Joyce Burton) dahil sa ginawang pag-atake ni Enrico (Pancho Magno) habang isang awok. Magkahalong lungkot at galit ang nararamdamdam ni William sa pagkawala ng kanyang nanay dahil sa aswang na pumatay rito.
Kahit magkasama na muli sina Annasandra at ang kanyang mga magulang, hindi pa rin nawawalan ng pagsubok na hinaharap ang kanilang pamilya.
Nagtagpuan naman nina Esmeralda (Rochelle Pangilinan) at Enrico ang kinaroroonan ni Annasandra dahil plano nilang bawiin ito mula sa kanyang tunay na mga magulang. Sa muling paghaharap nina Carlos at Esmeralda, ibinunyag ng una sa kanyang anak ang mga kasinungalingan ng huli.
Habang nasa loob ng isang jeep, dinakip ni Enrico si Annasandra at dinala sa panibagong tirahan nina Esmeralda.
Muli namang tinulungan ni Rosario (Maria Isabel Lopez) si Annasandra na makatakas mula kina Esmeralda at Enrico. Hindi naman nakarating si Annasandra sa kanyang destinasyon dahil inabutan na siya ng dilim at naging awok sa gitna ng gubat.
Patuloy na subaybayan Ang Lihim ni Annasandra, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, balikan ng mga eksena sa Ang Lihim ni Annasandra rito.
Ang Lihim ni Annasandra: The painful truth | Episode 63
Ang Lihim ni Annasandra: William is fuming with rage | Episode 64
Ang Lihim ni Annasandra: Esmeralda's lies are exposed! | Episode 65
Ang Lihim ni Annasandra: Enrico's desperate measures | Episode 66
Ang Lihim ni Annasandra: Escape after escape | Episode 67