
Magsisimula na ang ating fifth anniversary celebration ng Amazing Earth!
Sa darating na July 14, ipapalabas na ang unang bahagi ng month-long special ng Amazing Earth kung saan ibabahagi ni Dingdong Dantes ang mga exciting na kuwento mula sa iba't ibang lugar.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Tampok sa unang bahagi ng anniversary ng Amazing Earth ang ating pag-explore sa Minalayo Island a.k.a Snake Island sa Masbate. Mapapanood natin ang kuwento ng highly venomous and amphibious banded sea krait or walo-walo.
Mula naman sa Palawan ay ipapakita ang kuwento ng isang mangingisdang vlogger. Ibabahagi niya ang karanasan sa pagharap ng isang malaking octopus.
Hindi rin papahuli ang kuwento mula sa nature documentary na “Wild Dynasties: Growing Up Wild” kung saan ibabahagi ni Dingdong ang kuwento ng young animals at ang kanilang pinagdaraanan sa araw-araw.
Siguradong mag-e-enjoy ang mga manonood sa start ng Friday night habit na handog ng Amazing Earth kaya abangan ang lahat ng ito ngayong July 14, 9:35 pm sa GMA Network.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: