Article Inside Page
Showbiz News
Matapos ang Ngayon at Kailanman, muling mapapanood si JC de Vera sa GMA via Dear Friend. Kamusta na nga ba si JC after ng mga issues na naglabasan about him?
Matapos ang Sine Novela niyang Ngayon at Kailanman, si JC De Vera ay mapapanood na muli natin sa mga darating na episodes ng ‘Dear Friend’. At para naman sa aktor, ang show niya na ito ay pahinga at paghahanda din para sa mga darating pa na malalaking project. Text and photos by Erick Mataverde.

"Alam ko po na may gagawin ako, pagkatapos ng
Stairway (to Heaven) nila Dingdong (Dantes). 'Yun 'yung sabi sa akin. Pagkatapos nito, parang ito 'yung pahinga ko lang muna," sabi ni JC De Vera sa iGMA nang bisitahin siya kamakailan sa set ng
Dear Friend presents, 'Special' sa Bulacan.
At banggit din sa amin ni JC na pangalawang pagkakataon na pala niya magkakaroon ng role dito sa
Dear Friend. Paliwanag niya, "Second na ito, 'yung first 'yung sa aming dalawa ni Ryza (Cenon), 'yung per episode [pa] lang. Kasi ngayon four weeks na ang
Dear Friend – month long na siya."
Dagdag pa ni JC, "Very wholesome itong [mga] episode na ito, very interesting din ' yung plot, sana magustuhan nila."
Ang ibang kasama ni JC dito sa
Dear Friend episodes na ito, ay sila Jewel Mische, bilang Yvette, at ang newly-signed GMA Artist Center comeback talent na si Ynna Asistio, who plays the role Ella, Yvette's developmentally challenged sister.
Kuwento naman ng direktor ng episodes na ito na si Mark Reyes, very interesting talaga ang istorya ng 'Special'.
"Maganda 'yung story, it’s a love story between Jewel and JC, and just when they're about to get married Ynna shows up," inihayag ni Direk Mark. "So it throws a monkeywrench on all their plans. And then may dalang bigat or sama ng loob si Jewel kay Ynna, because she was the reason why their father died."
Kaya interesting love triangle ang masasaksihan ng mga manonood dito. Though, bago pa mandin mag-umpisa ang taping ng show, naglabasan din ang mga balita na si JC ang dahilan kung bakit nag back-out si Yasmien Kurdi sa role ngayon na kinatatamupukan ni Jewel.

"Siya po nga dapat dito, tapos nalaman ko na pinalitan na siya. Ayaw daw niya. Pero wala naman akong alam kung bakit," paliwanag ni JC. Pero he speculates na pag-aaral ni Yasmien ang dahilan, "Gusto naman niya 'yun eh. Ever since gusto niyang mag-aral"
Likewise, sinagot din ni JC ang pabalik-balik na issue tungkol sa napipintong paglipat niya sa rival station ng GMA.
"Meroon naman[g issue] palagi eh," bulalas ni JC. "As far as I know, okey pa ako dito sa network, okey pa ako sa GMA, walang isyung ganun. Kasi may gagawin pa akong [project sa] December eh. So pag December siya nag-start, malamang January siguro mag-start 'yung taping, so malamang 'yung ere nun lalagpas sa kontrata ko. Madami 'yun, lalagpas ako, for sure."
Magu-umpisa na ang panibagong four-part episode ng
Dear Friend, kaya huwag palampasin itong Linggo pagkatapos ng
SOP!
Pag-usapan ang bagong role ni JC De Vera sa Dear Friend sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!
Kamustahin si JC via Fanatxt! Text JC ON [Your Message] and send to 4627 for all networks. For GOMMS Wallpaper, text GOMMS JC ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.