
Nahuli na ni Samantha ang pagtataksil ng asawa niyang si Luis at ng kapitbahay nilang si Ysabel.
Dahil sa nangyari, makikipaghiwalay si Samantha kay Luis na labis namang pinagsisihan ng huli.
Matapos na kaya ang relasyon nina Luis at Ysabel? Mapatawad pa kaya ni Samantha ang kanyang mister?
Huwag palampasin ang kapana-panabik na tapatan nina Samantha, Ysabel at Luis sa I Can See You: High-Rise Lovers ngayong gabi, October 15, sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Encantadia.