What's on TV

Angel at Captain Serenade, nagpakilig sa kanilang 'kikiam date'

By Mark Joseph F. Carreon
Published June 30, 2026 11:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ombudsman panel eyes Bonoan as witness in Bong Revilla flood control case
Cebu City to get metal detectors, conduct active shooter drills
Zeinab Harake walks the runway with daughter Bia

Article Inside Page


Showbiz News

caprice cayetano and heath jornales


Kilig ang hatid sa viewers ng muling pagkikita nina Angel (Caprice Cayetano) at Captain Serenade na si Miguel (Heath Jornales) sa 'You're My Favorite Song'!

Muling nagpakilig ang tambalang 'CapEath,' na binubuo nina Caprice Cayetano at Heath Jornales, sa isa sa mga pinakabagong episode ng You're My Favorite Song!

Abot-langit na kilig ang hatid ng muling pagkukrus ng kanilang landas sa episode noong Lunes, June 29, nang biglang dumating si Miguel (Heath Jornales) na naka-disguise bilang si Captain Serenade upang saklolohan si Angel (Caprice Cayetano).

Nahihirapan kasi ang dalaga na kunin ang kanyang blue bag na isinabit sa poste ng kanyang academic enemy na si Calix (Clifford).

Tila isang knight-in-shining-armor ang pagdating ni Captain Serenade sa Solmera City, na labis namang ikinagulat at ikinasaya ni Angel.

Mas lalo pang umapaw ang kilig nang tulungan siya nitong makuha ang kanyang gamit, kalakip ang pangako ng binata na tutugtugan siya nito ng mga bago niyang isinulat na kanta.

Hindi lang doon nagtapos ang pampakilig ng dalawa. Nagkaroon din sila ng isang simpleng “date” habang pinagsasaluhan ang kikiam na binili ni Angel bilang pasasalamat sa tulong ni Captain Serenade.

Lalo pang nag-reign ang tilian nang hubarin ni Miguel ang headpiece ng kanyang costume habang nakapikit si Angel, isang paraan upang hindi mabunyag ang kanyang totoong pagkakakilanlan.

Masayang pinagsaluhan ng dalawa ang pagkain nang walang kamalay-malay si Angel na ang lalaking nasa likod ng costume ay walang iba kundi si Miguel, ang sikat na vocalist ng bandang Siklab.

Hindi naman napigilang magwawala sa kilig ang mga netizens sa social media para sa tambalang 'AnGuel'

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng viewers sa kikiam date ni Angel at Miguel:

Samantala, kapana-panabik din ang mga susunod na tagpo sa serye! Abangan kung paano magkakampihan at magtutulungan ang academic rivals na sina Angel at Calix para sa darating na Regional QuizCon.

Gagawin ni Angel ito upang makalikom ng tulong para sa pagpapagamot kay Lolo Xavi.

Magtagumpay kaya sila bilang mag-partner? Maipanalo kaya ito ni Angel para makatulong kay Lolo Xavi?

Patuloy na subaybayan ang You're My Favorite Song, tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., pagkatapos ng Kamao sa GMA Afternoon Prime! Mapapanood din ito online via Kapuso Stream at sa mobile devices sa pamamagitan ng GMA Play.

Related Gallery: You're My Favorite Song stars feel overwhelming support from fans at media day