
Matapang na sinagot ng Kapuso actress na si Angel Guardian ang isang “intrigger” question na inihain sa kaniya sa segment na “Chika o Add to Cart” ng programang Chika Cart sa GTV noong Lunes, Oktubre 12.
Sa nasabing segment, kailangang pumili ng panauhin kung sasagutin ang tanong sa loob ng kahon sa pamamagitan ng pagsasabi ng “Chika,” o tatanggihan ito kapalit ng “Add to Cart.”
Walang alinlangan na pinili ni Angel ang “Chika” at binasa ang tanong: “May mga nakakapansin na madalas ka raw ma-typan ng mga older men, totoo ba? Napapansin mo rin ba 'to? At mayroon na bang older man na nag-aya sa iyo ng date?”
Lakas-loob itong sinagot ng aktres: “Meron. S'yempre meron. S'yempre sa industry natin, meron talaga.”
Inamin din niya na may iilang mas matatandang lalaki na nagtangkang mag-imbita sa kaniya para makipag-date.
Gayunpaman, binigyang-diin ni Angel na mas pabor siya sa mga lalaking hindi malayo ang edad sa kaniya. Aniya, mas komportable siyang makipag-date sa mga lalaking nasa 30s.
“Personally kasi, hindi ko siya bet. Hindi naman siguro old talaga, okay lang siguro 'yung a little older than me. Older than 30s, p'wede,” ani Angel.
Nang biruin siya ng mga host tungkol sa kaniyang “ideal man,” nilinaw ni Angel na wala naman siyang tiyak na pamantayan sa edad, ngunit may limitasyon pa rin siya.
Sumagot naman ito at sinabing walang specific na edad ngunit para sa kaniya ang preferred niya ay 'yung hindi na lalampas sa edad na 40.
“Wala naman talagang certain age na sasabihin ko. Hindi siguro okay sa akin 'yung older than 40s siguro. 30s, sige, okay lang sa akin,” pahayag ni Angel.
Ikinuwento rin ng Kapuso star na ang ilang mas nakatatandang kalalakihan ay dumadaan pa sa kaniyang mga kaibigan upang magparating ng alok na makipag-date.
Ngunit ayon kay Angel, agad niya itong tinatanggihan dahil hindi siya komportable sa ganitong uri ng pamamaraan.
Related Gallery: Kapuso babe Angel Guardian as your beauty and style inspo
Panoorin ang Chika Cart para sa hottest and trending showbiz stories. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 5:15 p.m. hanggang 6:00 p.m. sa GTV, ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube at sa GMA Network TikTok account!
Mapapanood din ang Catch-Up Episode sa Kapuso Stream tuwing 9:30 p.m.
Huwag din palampasin ang Chika Cart Add Pa More! tuwing 6:00 p.m. hanggang 6:30 p.m. sa ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube at sa GMA Network TikTok account.
Manatiling updated sa mga pinakabagong chika, exclusive content, at trending topics sa pamamagitan ng pagbisita sa opisyal na GMA Network website at social media pages ng Chika Cart:
Facebook: https://www.facebook.com/ChikaCartGTV
Instagram: https://www.instagram.com/chikacartgtv/
Related Gallery: Celebrity couples with big age gap