GMA Logo Angel Guardian
What's on TV

Angel Guardian, nag-audition sa 'Mano Po Legacy: The Flower Sisters' habang nasa Korea

By Aedrianne Acar
Published September 23, 2022 10:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

4 weather systems to bring cloudy skies, rains over Luzon
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Angel Guardian


Isang sorpresa para sa Sparkle actress-singer na si Angel Guardian na matapos sila mag-shoot ng 'Running Man Philippines,' makakasama naman siya sa isang malaking serye ng 'Mano Po Legacy.'

Tuloy ang pagdating ng blessing para sa multi-talented Sparkle talent na si Angel Guardian dahil bukod sa successful ang current reality show niya na Running Man Philippines at patuloy ang pagtaas ng ratings nito tuwing weekend primetime, mapapanood din siya soon ng mga Kapuso sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

Bibida ang promising actress sa serye kung saan makakasama niya ang ilan sa pinaka-respetado at hinahangaan showbiz gems tulad nina Aiko Melendez, Thea Tolentino, at Beauty Gonzalez.

Sa exclusive interview ni Angel sa GMANetwork.com kahapon (September 22), ibinahagi nito na nag-audition siya via Zoom noong nasa Korea siya para sa intriguing drama series na 'The Flower Sisters.'

“First lead cast ko 'to na serye, na drama. Pero itong Mano Po [Legacy] in-audition ko 'to nasa Korea ako,” kuwento ni Angel.

“Tinanong nila ako, kung gusto ko ba 'yung character ganiyan. Kung gusto ko mag-audition, tapos off namin 'yun sa Running Man. Nasa hotel lang ako, nag-decide ako magbihis, tapos nag-video lang ako ng sarili ko, tapos sinend ko.”

Nagulat na lang daw si Angel nang malaman siya sa storycon na big role ang gagawin niya.

Pagbabalik-tanaw niya, “Hindi ko naman alam na makukuha ko 'yung role. Tapos nakuha ako, nakapasok ako, pero until storycon hindi ko pa rin alam na one of the main casts pala ako. Parang ine-expect ko lang na, 'okay! Nag-audition ako for this role', pero hindi ko alam na umiikot 'yung story sa four sisters, which is ako 'yung pang-apat na [magka]kapatid.”

Natatawang sabi niya, “Doon lang na-reveal sa akin, 'Ay! Okay', ito pala kasama ako. Lagi na lang ako nabibigla.”

Sinabi rin ni Angel na nakakadalawang araw pa lang siya sa taping, pero looking forward na siya sa mga eksena niya with her co-stars sa Mano Po Legacy.

“Excited ako, looking forward ako, kasi siyempre mga kilala na po sa showbiz sila, so talagang isang karangalan po makatrabaho [sila].”

Abangan ang pamumulaklak ng kuwento ng Chua sisters sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters, soon on GMA Telebabad.

GET TO KNOW THE STUNNING ANGEL GUARDIAN HERE: