
Masaya pero may kirot para kay Angel Guardian ang nalalapit na finale ng superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ipinarating ni Angel ang naramdaman habang isinu-shoot ang kanilang final scenes sa Sang'gre, na aniya, kakaiba.
"Actually, 'yung final scenes namin kakaiba sa mga usual naming ginawa. Kaya dapat n'yong abangan," sabi ng aktres.
"Nu'ng ginagawa namin 'to, feeling ko lahat kami internally nagre-reminisce kasi ang ganda ng location. Kahit medyo mahirap 'yung location pero maganda siya.
"And, it was something new na hindi pa namin ginawa sa buong show. Kakaiba siya, pero, syempre, nandoon 'yung saya. Pero may kaunting kurot din dahil alam mong iyon na 'yung huli. Halo-halong emosyon talaga."
Ibinahagi rin ni Angel ang excitement na makita ang epic finale ng Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Huwag palampasin ang natitirang apat na gabi ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
NARITO ANG ILAN PANG AABANGAN SA EPIC FINALE WEEK NG 'SANG'GRE':