
Aminado ang sexy actress at Black Rider star na si Angeli Khang na challenging ang ginawa niyang action scenes para sa sikat na primetime action drama series. Ganunpaman, masaya at grateful siya sa tiwalang ibinigay ng GMA at Viva sa kanya para bigyang buhay ang kanyang role.
“'Yung sa action, ibang genre naman, ayun lang talaga 'yung challenging, nakakapagod. Matagal din pala kapag nagshu-shoot sa isang action scene,” sabi niya kay Lhar Santiago para sa 24 Oras.
Kuwento ng dalaga, 11 years old pa lang nang magsimula siya mag-aral ng Korean martial art na Taekwondo, hanggang sa makuha niya ang kaniyang black belt.
“Thankful ako na pina-taekwondo ako ng dad ko. Magagamit ko naman 'yung taekwondo skills ko, 'yung sports ko,” aniya.
RELATED CONTENT: TINGNAN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA NAG-ARAL RIN NG MARTIAL ARTS SA GALLERY NA ITO:
Samantala, happy at “very full” naman ang kaniyang puso sa pagkakataon na ibinigay sa kaniya ng GMA Network at ng Viva para gampanan ang role ni Nimfa sa serye.
“I feel blessed and honored na tinrust ako ng GMA, also Viva, na gampanan ko itong character na 'to,” sabi niya.
“As much as possible, I want to switch my genre to kahit saan ako ilagay, kahit sa action, drama, comedy, o ano man 'yan, kaya kong gawin as an artist,” pagpapatuloy ni Angeli Khang.
Grateful din si Angeli kay Ruru Madrid na laging nakaalalay sa kaniya, lalo na sa action scenes. Tinawag pa ang aktres na "talented" at "professional" ng Primetime Action Hero.
“Talagang he'll drive you to be better in scenes. Talagang nakaka-drive siya para mas maging okay ka sa scenes,” sabi niya.
Samantala, masaya rin si Ruru sa ipinapakitang passion ni Angeli sa kaniyang craft sa acting. Ani pa ng aktor, nakita niya ang willingness ni Angeli to learn at makinig sa mga advice.
Ang masasabi naman ni Ruru Madrid sa kagustuhan ni Angeli Khang na mag-switch ng genre, “Sabi ko kay Angeli, 'Kung talagang gusto mo ng action, kakayanin mo.'”
RELATED CONTENT: Angeli Khang tells why one of her tattoos is very meaningful