
Bago pa naging sikat na sexy star si Taskforce Firewall actress Angelica Hart, marami na umano siyang pinagdaanan sa kaniyang buhay. Sa katunayan, nagkaroon pa nga ng pagkakataon na sinampahan niya at ng ilang kasamahan ang isang artist management company.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, August 21, kasama si Buboy Villar, inamin ni Angelica na bata pa lang ay gusto na niyang mag-artista. Ngunit sabi ng aktres, hindi rin naging biro ang kaniyang career journey.
“Bata pa lang po ako, nagte-theater actor na po ako, and then nagwo-work po ako, nagpa-part-time po ako para lang makapunta sa mga workshop, ganiyan. And then, before po ako mag-Vivamax, nagho-host din po ako, naggi-guesting po ako,” pagbabahagi ng aktres.
“Pagpapatuloy ni Angelica, “Tapos meron pong kumuha sa 'kin that time na management na umabot po kami sa kasuhan. Girl group po 'yung pinasok ko that time. And then parang grabe po 'yung ginawa nila sa 'min. Parang pinagsisiraan po kami. 'Yung ano-ano 'yung pinapagawa sa 'min. Ganyan. Nagdemanda po kami. Actually, nanalo po kami sa kaso.”
KILALANIN ANG VIVAMAX BABES NA SUMABAK SA ACTION SA 'BLACK RIDER' SA GALLERY NA ITO:
Na-depress umano si Angelica pagkatapos ng pangyayaring iyon.
“As in sobrang stressed out po kasi sabi ko parang ito na lang 'yung bagay na feeling ko, makakatulong sa 'kin lalo na po, bata pa lang, nagwo-work na 'ko. Parang sobrang depressed ko nu'ng time na 'yun, parang hindi po talaga ako lumalabas ng bahay,” sabi ng aktres.
Lumabas lang umano siya ng bahay noong may tumawag sa kaniya at nag-alok na pumasok sa Viva. Sabi ni Angelica, nakipag-meeting lang siya sa kausap niya at doon na nagsimula ang kaniyang karera.
Samantala, nilinaw din ni Angelica na hindi niya totally iiwanan ang pagiging sexy star. Sa halip, ititira pa rin niya ito sa kaniyang ibang roles.
“Feeling ko, ititira ko pa rin po siya as a sexy comedian or a sexy action star. Pero 'yung paghuhubad lang po siguro, 'yun po 'yung hindi ko na po talaga kayang gawin,” sabi ni Angelica.
Panoorin ang panayam kay Angelica dito: