GMA Logo Angelica Hart
source: _angelicahart (IG)
What's on TV

Angelica Hart, umabot sa milyon ang halaga ng indecent proposal

By Kristian Eric Javier
Published August 23, 2026 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Strong 6.7-magnitude quake strikes southern Peru — USGS
Man lands in hospital after fire razes home in Bacolod
Otherworld Festival Manila is happening this November

Article Inside Page


Showbiz News

Angelica Hart


Ano kaya ang pakiramdam ni Angelica Heart sa tuwing nakatatanggap siya ng indecent proposals? Alamin dito.

Sa kabila ng indecent proposals na natatanggap ni Angelica Hart, hindi umano nabastusan ang former sexy star sa mga ito. Sa halip, hindi na lang niya ito binibigyan ng pansin lalo na at marami siyang ibang bagay na kailangan unahin.

Sa Fast Talk with Boy Abunda noong Biyernes, August 21, inamin ni Angelica na marami siyang natatanggap na indecent proposals.

“Ang dami po. Sa socials, sa message po, minsan po dumadaan sa mga kasama ko lang like nagta-try po mag-ask. For a date po, tapos open budget daw po, parang ganu'n. Parang kahit magkano raw po, ganiyan,” sabi ni Angelica.

Pagbabahagi pa ng aktres, kapag sinasabing “open budget,” umaabot daw ng one to two million pesos ang alok sa kaniya. May mga kilala rin umano siyang tumatanggap ng ganoong offer. Pero paglilinaw ng aktres, “Feeling ko that doesn't make them a lesser person.”


ALAMIN ANG REAKSYON NG IBA PANG CELEBRITIES SA MGA INDECENT PROPOSAL SA KANILA SA GALLERY NA ITO:



Para kay Angelica, normal lang naman iyon na makatanggap ang isang babae ng indecent proposal, kahit hindi artista. Kaya kahit maraming natanggap na offer, hindi umano siya nababastusan.

“Kasi hindi ko naman sila masyadong binibigyan ng halaga, ata. Alam ko rin naman po sa sarili ko na 'yung perang meron ako ngayon, lalo na ang dami ko pang binubuhay na family, dalawang angkan po, napagkakasya ko po kung ano 'yung kinikita ko,” sabi ni Angelica.

Kahit anong trabaho o negosyo, kahit maliit lang ang kita, tinatanggap ng aktres para lang mabuhay niya ang pamilya. Pinaghihirapan daw niya ang lahat ng mayroon sila ngayon.

Ngunit pag-amin ni Angelica, “Minsan, nasasaktan ako kapag kunyari meron po akong narinig na nag-go daw po ako sa offer na gan'to, ganiyan, so du'n po, nasasaktan ako.”

Panoorin ang panayam kay Angelica dito: