
Super na-enjoy ng Running Man Philippines star na si Glaiza De Castro ang guesting niya sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.
Noong April 6 nangyari na ang historic moment kung saan ipinalabas sa unang pagkakataon ang hit show sa GMA-7.
Samantala, nagbahagi naman si Glaiza ng ilang highlights ng guest appearance niya at nagawa pa nitong magpa-picture sa isang larawan ng matalik niyang kaibigan na si Angelica Panganiban sa loob ng ABS-CBN Studios.
Napa-comment si Angelica sa post ng Kapuso actress. Sabi niya, “Namiss ka ng compound amigah. Tagal kita hinintay diyan.”
Naniniwala naman si Glaiza na simula pa lang ang pagpapalabas ng It's Showtime sa Kapuso Network ng mga magandang mangyayari in the future.
Post niya sa Instagram, “Ang saya lang balikan at isipin na mas maraming pang mas magagandang mangyayari sa pag sasanib pwersa na 'to. Ika nga ng UDD;
“…the world is your playground, but you will always be home”
Yun lang, salamat sa mga nakisaya kanina. Good night!”
Malapit nang mapanood si Glaiza sa Season 2 ng Running Man Philippines na ipapalabas simula May 11.
Makakasama niya sa much-awaited reality game show sina Mikael Daez, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Angel Guardian, at Miguel Tanfelix.
Nauna nang kinumpirma ng GMA-7 na isa sa special guests sa naturang show ang K-pop idol na si Nancy McDonie ng Momoland.
RELATED CONTENT: RUNNING MAN PHILIPPINES IN SOUTH KOREA